Bimby kinakarir ang voice lesson, magre-record ng sariling album
Huwag na kayong magtaka kung isang araw ay nagre-record na rin ng album si Bimby Aquino Yap at mapanood na rin na nagpo-promote sa ASAP.
Kumukuha na pala ng voice lesson ang bagets at isa ang Master of Soul na si Thor Dulay sa voice coach ng bunsong anak ni Kris Aquino. Yes bossing Ervin, nag-aaral nang kumanta si Bimby at puring-puri nga ito ni Thor.
“Si Bimby kasi nasa tono ‘yung bata, plus ang dali niyang kausap, masunurin, pag sinabi kong, ‘Bimby do this one’ sasabihin niya agad, ‘okay.’ May discipline siya,” kuwento ni Thor.
Ini-record na ni Bimby ang awitin ni Taylor Swift na “Blank Space,” “Nag-try na kaming mag-record, maganda ‘yung boses ng bata, may mga pambata rin siyang kinanta.
“Sobrang bait talaga, masunurin at very sweet puwedeng iuwi, e, ang bait na bata talaga,” papuri ni Thor. Nabanggit din ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual na isa sa kliyente ng Master of Soul, “Inigo is very promising, mahusay talaga siya hindi dahil anak siya ni Piolo, magaling talaga siyang kumanta, matalas ang tenga niya.
Si Piolo na-coach ko sa ASAP naman, pero hindi one-on-one, si Inigo kasi one-on-one talaga,” ani Thor. Ilan pa sa mga kino-coach ni Thor ay sina Vice Ganda, Sarah Geronimo at Christian Bautista.
Matagal na sa music industry si Thor, pero kamakailan lang siya naka-penetrate sa larangan ng musika. Dati rin siyang miyembro ng banda, “Nagsolo ako mga 2003 or 2004, nagka-album na ako, nag-record na rin ako sa ibang bansa, pero wala pa rin.
“So, there was a time na na-frustrate ako. Ang ginawa ko, since hindi naging successful ang album ko, nag-give up na ako, nag-iba na ako ng linya.
Naging back-up singer ulit ako, ‘yun naging vocal coach ako dahil kay Luke Mejares (dating South Boarder) kasi kaibigan ko siya at sinubukan niyang mag-vocal coach ako sa kanya.
“Sobrang supportive ‘yun, everytime na pumupunta ako sa gigs niya, sinasabi niya ako ang vocal coach niya at magaling daw ako, so lahat naging curious.
Tapos ‘yung ibang artist nagtatanong na rin kung puwede ko raw silang i-coach, so doon na nag-start, kaya hanggang ngayon, nagbo-vocal coach ako,” paliwanag ni Thor.
Samantala, natanong namin kung may lumapit na rin ba sa kanyang mga sintunadong singer, “Meron din naman, pero ayoko na lang sabihin kung sinu-sino sila, pero para sa akin, mas madali (turuan) kapag nasa tono, mas madaling i-coach,” natatawang sagot ni Thor.
May bago na rin siyang album at pawang magagaling na songwriters ang nakatrabaho niya rito tulad nina Jungee Marcelo, Jonathan Manalo, Kiko Salazar, Soc Villanueva at Rhaizo Chabeldin na produced ng Cornerstone Music, distributed by Star Music.
Sa darating na Hulyo 17, Biyernes ay mapapanood si Thor sa “Soulful Concert 2015” sa Music Museum with special guests Liezel Garcia at KZ Tandingan produced ng Aqueous Events Stages sponsored by Centerstage KTV, Bioessence Greenhills, Tokyo-Tokyo Greenhills, Crystal Clear, Sariwon Promenade, ZH&K Mobile, Edible Heavens by Jannel at Imma Scent.
Naiiyak si Thor habang pino-promote niya ang kanyang concert dahil naaalala raw niya ang nanay niya na sobrang proud sa kanya, “Kasi gusto ko sanang makita niya ito, kasi siya ‘yung makulit sa akin dati at sobrang proud, halos every week tinatanong niya ako kung nasa TV na ako.
“So, nanghihinayang ako, na marami na akong TV guestings, lalo na ‘yung The Voice, siguro ang saya-saya niya. Nag-collapse kasi ‘yung kidney niya, namatay siya sa third stroke,” ani Thor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.