Piolo kay Sarah: Pwede mo rin naman akong bastusin!
AGAD nag-trending ang production number nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo kahapon sa ASAP 20 kung saan kinanta nila ang theme song ng kanilang pelikulang “The BreakUp Playlist.”
Talagang tilian at palakpakan ang audience nang kantahin na ng dalawa ang “Paano Ba Ang Magmahal”, at kasabay nga nito, nag-trending agad sa Twitter ang #AshLo ASAPGrandMovieLaunch.
Pagkatapos ng kanilang duet, inamin ni Sarah ang tunay niyang nararamdaman ngayong malapit nang ipalabas ang movie nila ni Piolo.
“Talagang kinikilabutan po ako. Masayang masaya po ako at excited na i-share po sa inyo ang napakagandang pelikulang ito. Working with Mr. Piolo Pascual, talagang isang pribilehiyo.
Treat po sa aming lahat na makatrabaho siya dahil bukod po sa napakagwapo at napakabait, napakagaling po niyang aktor,” sabi ng Pop Princess.
Hirit naman ni Piolo, “Honestly, nahihiya din ako kay Sarah because we very well know how she is as a person. Minsan nahihiya akong hawakan.
“Tapos tinatawag akong kuya. Sabi ko, ‘Pwede mo naman akong bastusin eh.’ It was a pleasure working with her, especially with this kind of story na masasabi namin talaga na very real,” ani Papa P.
Showing na sa July 1 ang “The BreakUp Playlist” na isinulat ni Antonette Jadaone at sa direksyon ni Dan Villegas, under Star Cinema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.