Pinanindigan na ang pagiging bomba stars
HA-HAHAHA! As in wala kaming ginawa kundi ang tumawa nang tumawa nang tumawa at makikanta sa musical comedy film na “I Do Bidoo, Bidoo” ng Unitel Productions at Studio 5.
Ito yata ang kauna-unahang pelikulang napanood ko na mula sa simula hanggang sa ending ay enjoy na enjoy kami.
Imagine, bawat eskena ay talagang pinapalakpakan ng manonood.
Pati nga ang mga classic songs ng APO Hiking Society na siyang ginamit movie ay perfect na perfect sa bawat eksena.
Napanood namin ang pelikula sa imbitasyon ng friendship nating si Chuck Gomez ng Genesis Entertainment nina Angeli Pangilinan na siyang nag-sponsor ng benefit special advanced screening nito sa Gateway Mall cinema.Ang kinita nito ay ibibigay sa mga habagat victims, ang Shining Light Foundation ang nag-organize nito.
Umabot na raw sa P610,000 (in cash and in kind) ang nalikom nilang donation at ang malaking bahagi nga nito ay mula sa mga nanood ng “I Do Bidoo Bidoo”.
Of course, hindi magiging effective ang movie kundi sa mga bigating artistang kasali rito, na pinangungunahan nga nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid at Eugene Domingo, kasama pa ang talented na mga bagets na sina Sam Concepcion at stage actress na si Tippy Dos Santos sa direksiyon ni Chris Martinez.
Ka-join din sa “I Do Bidoo Bidoo” ang revelation na si Neil Coleta na gumanap na bading na may lihim na pagnanasa sa kanyang best friend na si Sam Concepcion, ang agaw-eksenang si Jaime Fabregas, Kiray Celis, Frenchie Dy, Sweet Plantado ng The Company at marami pang iba.
In fairness, ang gagaling nilang lahat, talagang swak na swak silang lahat sa kanilang mga karakter, lalo na sina Ogie, Uge, Gary at Zsa Zsa.
Hindi baduy ang pelikula, feeling nga namin, pwedeng-pwede itong ilaban ng Pilipinas sa Oscars dahil bukod sa entertaining na ito, marami ring mapupulot na aral sa kuwento, lalo na sa mga batang maagang nagkakaroon ng sariling pamilya.
Ito ang comeback movie ni Gary, at masasabi naming hindi siya nagkamali sa desisyong tanggapin ang proyekto ito, pati na rin ang Divine Diva na si Zsa Zsa na ang ganda-ganda sa pelikula.
Sabi nga namin, parang hindi siya dumadaan sa matinding pagsubok nang gawin niya ang “I Do Bidoo Bidoo” dahil fresh na fresh ang itsura niya.
Mabenta rin ang fresh na tambalan nina Sam at Tippy na kahit mga bagets ay nabigyan ng justice ang mga kanta ng APO Hiking Society.
Pero ang talagang ikina-shock ng lahat na siyang nakatanggap ng pinakamalakas na palakpak mula sa audience ay ang “bold scene” nina Ogie at Uge! As in mabaliw-baliw talaga kami habang pinapanood ang eksenang ‘yun kung saan parehong naghubad ang dalawang komedyante na gumanap na mag-asawa.
Agaw-eksena talaga ang malulusog na boobs ni Uge at ang bukol ni Ogie! Ha-hahaha!
Hindi na namin ito idedetalye dahil gusto naming ma-shock din kayo kapag nanood na rin kayo ng “I Do Bidoo Bidoo”.
Ayon naman kay Ogie, happy siya dahil nagustuhan ng audience ang pagiging bold star nila ni Uge, “Natuwa naman ako at nagustuhan ninyo ‘yung love scene namin.
Kasi talagang iniisip ko iyan kung magugustuhan ba ng mga tao, e.
Kasi naman, hindi ko napaghandaan ‘yung body exposure!
“Sana man lang napaghandaan ko man lang ng one year, nakapag-workout sana ako, di ba?” tawa nang tawang chika ng singer-comedian.
“Nagiging nakakatawa lang kasi kami ni Uge, feel na feel namin.
Parang kunwari walang mga tao.
Pero ‘yung mga cameramen noon, tawa nang tawa.
Hindi na lang namin pinakikinggan para hindi kami maapektuhan sa pagtawa,” kuwento pa ni Ogie.
Sure na sure raw si Ogie na pati ang misis niyang si Regine Velasquez ay maloloka kapag napanood ang bed scene nila ni Eugene, pero tiyak daw na magiging proud ito sa bago niyang title, ang naghuhumindig na “Bukol King”.
Showing na ang “I Do Bidoo Biddo” sa Aug. 29 nationwide!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.