Julie Anne San Jose: Gusto ko kasing may marating sa buhay!
MARAMI pang gustong marating sa buhay si Julie Anne San Jose kaya mas pinili niyang maging single muna. Choice ng Kapuso singer-actress na huwag munang magka-boyfriend.
Ayon kay Julie Anne nang makausap namin sa prescon ng kanyang bagong single na “Tidal Wave” at ng bonggang MTV nito, hindi naman daw siya nape-pressure kapag marami ang nagtatanong sa kanya tungkol sa kanyang lovelife.
Pwede naman daw siyang tumanggap ng manliligaw, “I think (oo), pero hindi ko pa mabigyan ng oras. Hindi ko pa priority. Marami pa kasi akong gustong gawin sa buhay ko at sa career ko na feeling ko, hindi ko magagawa nang maayos kapag meron akong ibang inaalala.”
Masaya naman siya sa buhay kahit na single pa rin siya, nagpapasalamat nga siya dahil hindi siya nawawalan ng trabaho, “Wala pa po talaga, e. Wala pong time kasi araw-araw akong may schedule, araw-araw may trabaho, nag-i-school pa ako.”
Dugtong pa ng Asia’s Pop Sweetheart, “Darating naman po yung oras na ‘yon (lovelife). Basta hindi lang po ngayon, kasi po ‘pag nag-commit ako, ang gusto ko po, yun lang.
“Ang hirap pag may karelasyon tapos busy ka. Kaya ko namang maghintay,” aniya pa. Hirit pa ni Julie Anne sa pagiging single (since birth), “Kasi ganu’n po talaga kapag may gustong marating sa buhay, kung gustong maging successful.
Kailangan focused ka lang ‘tsaka alam mo yung priorities mo.” Pwede rin bang i-apply sa kanya ang kasabihan sa showbiz na sinuswerte siya sa kanyang career dahil wala siyang lovelife? “Hindi naman po sa ganu’n.
Hindi ko naman po kino-contradict na bawal (magdyowa) kaya maraming opportunities. “I think it’s a matter of being focused sa trabaho, ‘tsaka madami talagang opportunities na dumadating. And I’m really, really blessed na maraming blessings na dumadarating sa akin.
“Yung love naman, puwede mo namang ibaling sa pamilya. Kasi love for me can be a distraction, but it’s also an inspiration. Iba-iba yung love, e, puwedeng sa romantic side, puwedeng sa family,” aniya pa.
Samantala, maraming na-impress sa music video ng bagong kanta ni Julie Anne, ito ngang “Tidal Wave” na ginawa pa sa Amerika. Actually, tatlong MTV ang tinapos ng dalaga sa San Francisco at New York in collaboration with a Los Angeles-based company, ang VIM Entertainment Inc.. This will be distributed worldwide by GMA Records.
“Itong ‘Tidal Wave’ po, was arranged by Sidney Brown, or mas kilala sa music scene bilang Omen, he’s an American music producer from Harlem who has produced for artists such as Drake, Lil Wayne and Ludacris,” chika ni Julie Anne.
Last Sunday, binigyan ng exclusive treat ng Asia’s Pop Sweetheart at multi-platinum recording artist ang kanyang libu-libong fans as she launched her newest MTV sa Sunday All Stars.
Hinding-hindi raw makakalimutan ni Julie ang naging experience niya sa paggawa ng nasabing music video, “I got to skateboard. Inaral ko siya before the shoot.
Syempre malamig dun, tapos naka-jeans at crop top lang ako, kaya lamig na lamig talaga ako. Pero masaya kasi I got to work with a lot of people in great teams, tapos they were so nice to me. Sobrang accommodating nila.”
“Nag-enjoy akong i-film yung music videos, and since Tidal Wave is very light, more on kilig, I’m sure maraming makaka-relate sa song,” dagdag pa ng singer-actress.
Samantala, malapit na ring i-release ang dalawa pang music video ni Julie Anne. Bukod dito, nagsimula na ring mag-taping ang dalaga para sa bagong teleserye ng GMA 7, ang Buena Familia.
Samantala, na-shock naman si Julie Anne sa tsismis na buntis siya. Pero mas lalo siyang nagulat nang ma-link ang pangalan niya sa Kapamilya actor na si Coco Martin.
Mariing pinabulaanan ng dalaga na nagdadalang-tao siya. At in fairness, sa kapayatan ngayon ni Julie Anne, at sa 23 niyang waistline, imposible nga namang pregnant siya.
Napakalaki kasi ng ipinayat ngayon ng dalaga, ibang-iba sa katawan niya noon. Kaya nga kahit kami ay natawa nang lumabas ang chikang buntis siya.
Pero ang ipinagtataka talaga ng Kapuso singer-actress ay ang biglang pagli-link sa kanya kay Coco Martin. May nasulat pa nga raw sa isang blog na nagsasabing ang Kapamilya actor ang tatay ng ipinagbubuntis niya.
Sey ni Julie Anne, never pa silang nag-meet ni Coco kaya imposible raw ang kumalat na chika sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.