Ai Ai umamin sa bashers: Di ko matandaan si Gerphil Flores! | Bandera

Ai Ai umamin sa bashers: Di ko matandaan si Gerphil Flores!

Ervin Santiago - June 23, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

DEDMA lang ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng ilang netizens. Ayaw na raw niyang mag-entertain ng mga kanegahan sa buhay.

Sabi ni Ai Ai, wala naman daw maitutulong na maganda sa career at sa buhay niya ang pagpatol sa mga taong walang magawa sa social media kundi ang mangnega ng kapwa.

“Alam mo naman ang mga yun, porke’t uso ang bashing, lahat na lang bina-bash. Ganu’n lang naman ‘yun. I-accept mo lang naman na uso ‘yan ngayon. Basta ‘mema’ lang…me masabi lang,” natatawang sey ni Ai Ai nang makachika namin siya sa taping ng GMA Telebabad series na Let The Love Begin kamakailan kasama ang ilang piling entertainment writers.

Dagdag pa ng Comedy Queen, parang manhid na raw siya sa mga panlalait at pambabastos ng mga bashers, “Hindi na (apektado)! Bakit ako maaapektuhan? Unang-una, lahat naman bina-bash nila, e.

Basta mga gusto lang nila! “Bakit ba kasi nauso ‘yan? Hindi, alam mo, kasi binigyan natin sila ng karapatan na mag-ano, e, na magsalita. Hindi naman uso ‘yan dati, e. Ngayon na lang naman nauso ‘yan.

So, dedma,” paliwanag pa ng komedyana. Samantala, natanong naman si Ai Ai tungkol sa Asia’s Got Talent grand finalist na si Gerphil Flores, sila kasi ni Kris Aquino ang sinisisi ng ilang netizens kung bakit hindi nakapasok sa finals ng Pilipinas Got Talent ang dalaga. Nabalita na sumama ang loob ni Gerphil sa kanila ni Kris.

Ayon kay Ai Ai, sa totoo lang daw, nu’ng una ay hindi niya matandaan si Gerphil kaya nagtataka siya kung bakit siya bina-bash noon ng supporters nito.

“Alam n’yo, sa totoo lang, nakakatawa dahil dati, hindi ko siya matandaan! Hindi ko matandaan! Sabi ko, ‘Ano ba yung sinasabi nila na bina-bash? Ano yun, bakit bina-bash? Ano bang meron?’

“So, nu’ng akala ko tsika lang nang tsika, so dumating yung time na tiningnan ko nga. Kasi sa Instagram ko, parang ‘Ano pong masasabi n’yo na hindi n’yo po pinanalo si Gerphil?’

“Sabi ko, ‘Sino ba si Gerphil?’ Hindi ko matandaan, so nag-Google qko, sabi ko, ‘A, si ano, yung kumakanta ng…si Fame!’ Kasi hindi naman siya Gerphil nu’n, e. Kaya ako, ‘Sino ba si Gerphil?’ Hindi ko matandaan!” paliwanag ng komedyana.

Hirit pa nito, “In fairness kay Gerphil, nung panahon namin na nandun siya (sa PGT), in fairness naman sa amin ni lola (Kris), hindi siya kasing-galing ngayon. Magaling si Gerphil ngayon, nag-bloom siya talaga.

“Noon kasi, parang kinakabahan siya. At saka totoo naman na, dito naman sa Pilipinas talaga, hindi naman uso talaga yung opera, yung opera-opera. Pero kung nu’ng kinanta niya, kinanta niya nun sa amin, pasok na pasok siya kay Kris nu’n.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre favorite ni Kris yung kantang yun, ‘Impossible Dream.’” Madalas nang mapanood ngayon si Gerphil sa mga show ng GMA, ano ang reaksiyon dito ni Ai Ai, “Okay! E, di fantastic!”

Payag ba siya kapag pinagsama sila sa isang show? “Okay, fine, let’s go! Ha-hahaha! Pero oo naman, siyempre okay lang naman yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending