Barbie kay Thea: Wala siyang arte sa katawan, hindi rin siya plastik!
Samantala, dinenay naman nina Barbie at Thea na nagiging totohanan na ang pagiging magkaaway nila sa kanilang afternoon soap. May mga tsismis kasing nagkakapikunan sila sa mga eksenang pisikalan.
Ayon sa dalawang Kapuso stars na masasabi na ring mga Afternoon Prime Princesses, walang katotohanan ang mga chika, sa katunayan, sa mahigit isang taong pagsasama nila sa Half Sisters ay mas naging malalim pa ang friendship nila.
Pinuri rin ni Barbie si Thea sa pagiging humble nito bukod pa sa magaling din daw itong makisama. Sey ng dalaga, meron daw kasing ibang artista na yumayabang kapag nakilala at sumikat na.
“Si Thea kasi, kung ano siya noon ganu’n pa rin siya ngayon. Tsaka gustong-gusto ko siya kasi hindi pa siya naiimpluwensyahan ng showbiz, super humble pa rin siya,” ani Barbie.
Hirit pa ni Barbie, “Si Thea kasi, sincere siya sa pakikipagkaibigan, totoo siyang tao, at hindi siya plastik.” “Alam n’yo po, sa show namin, talagang walang katapusan ang nagaganap na pag-aaway sa pagitan ng mga karakter namin, pero sa totoong buhay po, sobrang kabaligtaran ‘yun.
Ngayon nga, isa siya sa mga taong napagsasabihan ko ng kahit ano dahil alam kong makikinig siya pero hindi niya ako idya-judge,” chika pa ni Barbie.
Speaking of Thea, puring-puri naman siya ng kanyang mga katrabaho sa kanilang afternoon series dahil wala itong kaarte-arte, talagang game na game ito sa mga eksenang kailangang saktan siya nang bonggang-bongga.
Sabi nga ni Thea, buti na lang daw medyo matibay ang mukha niya dahil kung hindi baka bumigay na raw ang dalawang pisngi niya dahil sa dami ng sampal na inabot niya sa soap.
Kung may eksena nga raw na hindi niya malilimutan kahit tapos na ang THS, ito raw ‘yung sunud-sunod na sampal sa kanya ni Jean Garcia, pero sabi nga ni Thea, “Basta kung sa ikagaganda ng eksena okay lang po.
Sabi nga nila, mas tumataas pa ang rating namin, kapag may sampalan. So go lang nang go!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.