SAM na-shock, pinagtripan ng mga kapitbahay sa PASIG | Bandera

SAM na-shock, pinagtripan ng mga kapitbahay sa PASIG

- August 21, 2012 - 05:21 PM

May sumigaw ng ‘sunog!’ sa harap ng bahay
Mga maruming damit ni Sam naiipon sa labahan

NATUWA kami sa mga kuwento ng kapitbahay ni Sam Milby sa Greenwoods Village, Pasig City dahil sobrang bait daw pala ng aktor sa kanila.

Bagama’t alam na naman ng buong showbiz industry na mabait si Sam ay iba pa rin pala ang dating sa tulad naming taga-media na makarinig ng kuwento mula sa mga hindi naming kilalang tao na kapitbahay ng aktor.

Naka-dinner namin ang mag-asawang may-ari ng bagong tayong skin clinic sa Ortigas, Pasig na ipinakilala lang din sa amin ng isang kaibigan na hindi taga-showbiz at napagkuwentuhan namin ang mga kliyente nilang artista na mga sikat din naman.

Hindi alam ng mag-asawang ito na reporter kami kaya panay ang kuwento nila ng kung anu-ano tungkol sa mga nakakahalubilo nilang artista at ‘yung ibang gustong maging endorser nila.Hanggang sa nabanggit nilang ka-village nila si Sam kaya hinayaan lang namin silang magkuwento tungkol sa aktor.

“‘Yung mga kapitbahay namin, natutuwa kay Sam, mabait pala ‘yun?

Sabagay kita naman sa mukha na mabait at sa tuwing makikita siya, bumabati, parating nagsasabi ng, ‘hi, hello’, palangiti naman.

“Minsan pinagkatuwaan nila si Sam, may mga sumigaw ng sunog, sa tapat ng bahay mismo niya, hayun, bagong gising yata, lumabas si Sam, may dala-dalang timbang tubig at tinanong, ‘Sunog? San po ang sunog?’

“Nagkatawanan nga lahat, kasi ‘yung pagkasabi niya ng sunog, slang daw.

Kaya maraming natutuwa,” dire-diretsong kuwento ng aming kausap.

Nabanggit namin na nabalitang tumulong si Sam sa mga binaha noong kasagsagan ng habagat kahit na inabot din ng baha ang village nila.

“Ah talaga, hindi namin alam, ‘yung lugar kasi niya, medyo mababa kaya binabaha ‘yung kalye nila, sa amin naman, medyo mataas,” kaswal na sabi sa amin.

Naaliw din kami sa kuwento ng mag-asawang katsikahan namin, anila, “Minsan nga, inuunahan na namin si Sam magpa-laundry sa malapit sa amin kasi kapag nauna na siya, nagsasara na ‘yung laundry shop, ayaw na tumanggap kasi hindi na kaya.
“Grabe pala magpa-laundry si Sam, napupuno ‘yung malaking sasakyan niya ng damit.

Sabagay, wala naman yata siyang labandera, laging walang tao sa bahay niya,” kuwento pa sa amin.

At para malaman kung totoo ang tsikang ito sa amin ng ka-village ni Samuel ay tinanong namin ang road manager ng aktor na si Caress Caballero.

“Ha-hahaha! Sino ang nagkuwento niyan birthmate? Siguro natatapat na naipon ‘yung mga damit ni Sam galing taping.

E, si Nene (girl Friday ng aktor) hindi na siguro kinakaya pa, kasi lagi rin siyang kasama sa taping.

“Kaloka ‘yan, ha! Pati pagpapa-laundry ni Sam nalalaman?

Lalo na ngayon, sunud-sunod ang taping niya ng soap nila ni Juday (Judy Ann Santos) kaya walang time talaga si Nene maglaba,” tumatawang sabi sa amin ni Caress.

Nabanggit din namin ang paglabas ni Sam na may dalang baldeng tubig nang may sumigaw na sunog, “Talaga? Ay hindi ko alam ‘yan, walang nabanggit si Sam o si Nene, katuwa naman.

Tanungin ko nga,” sabi pa ni Caress.

Samantala, naikuwento niya na may bagong biling sasakyan pala ang aktor na Rubicon jeep na ginamit noong unang araw ng habagat para mamigay ng groceries sa mga binahang lugar sa Cainta at Marikita.

“Alam mo ba birthmate, ‘yung bagong biling sasakyan ni Sam, inilusong sa baha noong habagat kasama si Pratty (John Prats) at namigay sila ng groceries.

Nag-grocery sila ni Pratty at namigay sila kasi, di ba, at that time walang malinis na tubig, so ginawa nila, binuksan nila ‘yung bintana ng sasakyan nila at nag-aabot sila sa mga tao,” balita pa ng rod manager ni Sam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sobrang nakakatuwa sina Sam at John dahil sariling bulsa nila ang ipinambili ng ipinamigay nilang tulong sa mga binaha at higit sa lahat, hindi sila nagpatawag ng media coverage.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending