Sharon, 3 anak sabay-sabay nagkasakit, inatake ng virus sa Thailand | Bandera

Sharon, 3 anak sabay-sabay nagkasakit, inatake ng virus sa Thailand

Cristy Fermin - June 15, 2015 - 02:00 AM

sharon cuneta

Nagkasakit si Sharon Cuneta at ang kanyang mga anak sa Bangkok, Thailand. Inatake sila ng virus, nagkasipon at nagkaubo ang Megastar at ang kanyang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel.

Sa halip na maawa sa kanya ang mga regular niyang bashers ay natuwa pa ang mga ito. Sa wakas ay nanahimik daw ang singer-actress, kundi pa raw siya nagkasakit ay hindi niya tatantanan ang pang-uupak kay KC Concepcion, mabuti raw naman at namahinga siya sa kapo-post ng kung anu-anong emosyon niya sa social media.

May isang common friend kami ni Sharon na parang ganu’n din ang saloobin, ayon sa aming kausap ay wala kasing kadala-dala si Sharon, banat nang banat nang wala sa lugar.

“Ewan ko nga ba sa taong ‘yun! Ang dami-dami nang nagpapayo sa kanya na huwag mauupo sa harap ng computer, pero ‘yun pa rin ang palagi niyang ginagawa.

“Matigas ang ulo niya, wala na siyang pinakikinggan, sa makina siya nagsisiwalat ng mga sama ng loob niya, e, may time naman para humingi siya ng advice sa mga taong maganda ang intensiyon sa kanya!” parang nagsasawa nang sabi ng aming kaibigan.

Tantanan lang daw ni Sharon ang kapo-post sa kanyang FB account ay matatagpuan niya ang katahimikan ng kalooban. Pero hanggang ipinaaalam niya sa publiko ang mga disgusto niya ay habampanahon din siyang makakatikim ng mga hagupit ng dila ng mga taong hindi nagkakagusto sa mga ginagawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending