Erich halos isumpa ng mga beki; Daniel babagsak ang career dahil sa babae | Bandera

Erich halos isumpa ng mga beki; Daniel babagsak ang career dahil sa babae

Jobert Sucaldito - June 14, 2015 - 02:00 AM

eric daniel

NAKAKALOKA ang statement ni Daniel Matsunaga regarding the details ng pag-iibigan nila ng present girlfriend na si Erich Gonzales. As if naman, big deal ang love affair nila para sa taumbayan. Ha-hahaha!

Kasi nga, nang tanungin daw si Daniel kung paano naging sila ni Erich – he just shared a few details lang, tulad nu’ng kung paano nag-start at kung kailan siya sinagot nito.

Pero ‘yung ibang details ng pag-iibigan nila ay naipangako niyang sa KrisTV sila unang magsasalita. Sa totoo lang mga kaibigan, no one I guess is interested about Erich coming to his life.

Maybe mas interesting pa nga si Daniel Matsunaga mismo compared to his maldita girlfriend, agree? Kasi nga, walang magandang relasyon si Erich with the members of the press unlike Daniel na yummy para sa aming mga badikla. Ha-hahaha!

Kaya hindi kami interesado sa kuwento ng love affair nila dahil napakanega ng dating sa amin nitong si Erich. WE’RE NOT INTERESTED! Ganoon ang reaksiyon ng mga badingding kay Erich. Ha-hahaha!

Wait lang, bakit doon lang niya sasabihin sa KrisTV ang details ng kanilang love affair? Dahil malaking bahagi si Kris ng love story nila ni Erich? Bakit? Si Kris ba ang nag-go between sa relasyon nila? Siya ba ang nag-match sa kanila? Kinontrata na ba siya ni Tetay na doon lang sa show niya ito sasabihin?

O, di sige. May magagawa pa ba ang mga reporter kung ayaw ninyong sabihin sa kanila. As if naman, big deal ang relasyon n’yo! You know guys, with this admission na sila na nga ni Erich, simula na raw ito ng downfall ng showbiz career nitong si Daniel.

Kasi nga, si Erich ay wala nang masyadong career sa ngayon – kahit anong project pa ang gawin niya ay hindi na siya ‘yung tipong aangat pa to superstar-status.

Si Daniel naman ay nabawasan ang element of yummy-ism dahil taken na nga siya. Nasa liga pa naman siya ng pagka-matinee idol kahit hunky and sexy ang kaniyang katawan and image.

With this, natural na mababawasan ang kanyang fan following na karamihan pa naman ay mga badingding at matronix, agree?
So, paano pa siya magiging delicious sa mata ng kaniyang fans kung taken na nga siya? Sa palagay n’yo ba ay may magsusugal sa kaniyang producers for movie projects eh, sobrang limited pa naman niya.

He doesn’t speak fluent Tagalog – hindi naman siya Pinoy in the first place. Dinagdagan pa niya ang pagkalimitado niya dahil committed na siya kay Erich.

So, where is he going to? Binalewala lang niya ang pagkapanalo niya sa PBB All In dahil siya na rin ang naglayo sa sarili niya to become a bigger star. Kaloka! Hindi nag-iisip ang manager nitong si Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung ako sa kaniya, magpakasal na lang sila ni Erich at magbabu na lang sa showbiz at bumalik sa Brazil. Isama na niya si Erich doon dahil wala namang interesado sa babaeng iyan dito sa Pilipinas, ‘no! Doon na lang kaya sila mamuhay. Puwede, di ba?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending