Kim, Xian magdyowa na; tuloy ang reunion sa teleserye
Good news para sa mga fans nina Kim Chiu at Xian Lim. Tapos na ang matagal n’yong paghihintay dahil tuloy na tuloy na ang reunion teleserye ng rumored couple sa ABS-CBN ngayon taon.
Kamakailan ay nag-look test na ang dalawang Kapamilya stars para sa pagbibidahan nilang bagong serye ng Dos na pamamahalaan ng Star Creatives.
Nakita namin ang ilang litrato nina Kim at Xian na ipinost sa Instagram ng mga taga-Star Creatives na kuha sa ginawang look test. Medyo pinaitim si Xian sa nasabing pictorial with jacket, cap at baggy pants, habang si Kim naman ay fashionistang-fashionista sa kanyang outift at hairstyle.
Kung hindi kami nagkakamali, ang bagong serye nina Kim at Xian ay mula sa isang Wattpad novel. Ang nasabing serye ang sinasabing dahilan kung bakit hindi na isinama si Xian sa umeere na ngayong Primetime Bida series na Bridges Of Love.
Si Paulo Avelino ang ipinalit sa kanya sa nasabing proyekto. Huling nagkasama sina Kim at Xian sa seryeng Ina Kapatid Anak noong 2012.
Samantala, maraming fans naman ang naniniwala na magdyowa na sina Kim at Xian. Ito’y matapos ngang sabihin ng hunk actor na nararamdaman niyang malapit na malapit na niyang makuha ang matamis na “oo” ni Kim.
Sey ng ilan nilang followers, baka raw may agreement lang ang magka-loveteam na huwag munang ibandera ang kanilang relasyon para mas manabik ang madlang pipol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.