Sulat mula kay Grace ng Barra, Opol, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Sa edad kong 37 sa darating na June 25 until now hindi pa rin ako nakapag-aasawa, Sa totoo lang matagal na akong umaasa na may darating na isang tapat at mabait na lalaki sa aking buhay ngunit tila bingi si Lord sa aking mga panalangin. Ang birthday wish ko nga sana magka-boyfriend na ako sa ika-37 kong edad. Sa ngayon kasi ako na lang po ang walang asawa sa aming pitong magkakapatid, lahat sila ay may kanya-kanya na pong pamilya. Kaya sana sa mapamamagitan ng iyong karunungan, malaman ko kung sa edad kong ito makapag-aasawa pa kaya ako? Kung makapag-aaswa pa ako kailan po kaya ito magaganap at kung makapag-aasawa pa at magkaka-anak pa kaya ako?
Umaasa,
Grace Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Nakatutuwang makitang bagamat huli na, mayroon pa ring namang Guhit ng Pag-aasawa o Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na kahit na umabot ka pa ng edad 37, darating at darating pa rin ang takdang panahong makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang maligaya at pang habam buhay na pamilya.
Cartomancy:
Six of Hearts, King of Diamonds at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng mahabang paghihintay at kalungkutan, sa buwan ng June hanggang July sa taon ding ito ng 2015, isang medyo mayaman o may kayang matandang lalaki ang darating.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.