Nagseselos sa ex ni mister | Bandera

Nagseselos sa ex ni mister

Pher Mendoza - June 10, 2015 - 03:00 AM

MANANG, ako po si Hannelee, 19-years old, from Zamboanga, gusto ko pong humingi ng advice.

Kasi po may asawa po ako at meron po kaming isang anak na baby girl. May ex-girlfriend yung husband ko, and ngayon po nagkikita sila. Sabi nang asawa ko friends na daw sila, pero pakiramdam ko may relasyon sila.

Pakiramdam ko may relasyon sila kasi pag magkasama kami ng mister ko at aksidenteng nagkikita-kita kami ng ex niya, parang naiilang yung mister ko.

Tinatanong ko naman po sa kanya kung may nararamdaman pa ba sya para sa ex nya, sabi nya wala na raw, sa ipinapakita nya parang meron pa.

Hihingi po ako ng advice sa inyo at ano po ang gagawin ko?
Hannelee

Hannelee, isa siguro ako sa mga taong naniniwala na mahirap maging magkaibigan ang dating magkarelasyon. Kung hindi ka komportable sa pakikipagkaibigan ng asawa mo sa ex n’ya, dapat ipaalam mo ito sa kanya.

Sabihin mo na gusto mong magtiwala pero mahirap ito kung sa tuwing kasama ka n’ya at nagkikita sila ay nilalayuan ka n’ya.

Sabihin mo ito ng straight sa iyong asawa. Do not keep this issue from him if this bothers you a lot. Karapatan mong sabihin ito sa kanya. Next is to wait and see what his reaction would be. Kapag defensive, magduda ka. Kapag, malumanay at
nagrere-aassure s’ya na walang malisya ang pakikipagkaibigan n’ya sa ex then give the benefit of the doubt. BUT tell him na hindi ka magiging komportable lalo na kung single pa yung ex n’ya. Kung mahal ka ng asawa mo, he will honor this and respect how you feel. If he continues this without care, alam mo na…

Kung may nararamdaman kang hindi tama, trust your gut. Alamin mo rin sa iyong sarili kung nagseselos ka lang ba (na-tural ito lalo na dahil may dahilan) or insecure sa pagmamahal ng iyong asawa? Either way, I believe in communication. Pag-
usapan n’yo ito.
Ang payo ng tropa

Wala namang problema na makaramdam ng selos.

Ipaalam mo ito sa kanya na hindi mo gusto ang ginagawa niyang pag-iwas sa ‘yo kapag nasa harap ninyo ang ex niya, at sabihin na bigyan ka naman niya ng respeto.

Tapatin mo rin siya na nagseselos ka at hindi basta selos dahil nakakaramdam ka ng pagdududa sa kanilang dalawa.
Ipamukha mo rin sa asawa mo na hindi na siya binata para mag-inarte na single pa rin at pwedeng makipaglandian.

Pero pakinggan mo rin siya.

Sa dami ng tukso sa ating paligid, ‘wag mong hayaan masira ang inyong pagsasama bilang mag-asawa. Be strong. Gudluck!
Ate Jenny
Hannalee, hanapin mo rin ang ex mo. At pag nakita ka ng asawa mo sabihin mo sa kanya na friends lang din kayo. Siguradong mararamdaman niya ang nararamdaman mo ngayon.
Kuya Den
I agree with Den. Kung kaya ng mister mo, kaya mo rin gawin. At pag tinanong niya kung sino yun sabihin mo friends lang kayo, at pag pinagbawalan kang makipagkita sa ex mo, sabihin mo di na rin siya dapat makipagkita sa ex niya. Di ba fair yun?
Kuyang Chito

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending