P1.26 billion chopper contract ‘bulok’ | Bandera

P1.26 billion chopper contract ‘bulok’

Ramon Tulfo - June 09, 2015 - 01:04 PM

ANG kontrata ng gobyerno na bumili ng mga 21 second-hand helicopters na nagkakahalaga ng P1.26 bilyon na para gamitin ng Philippine Air Force ay “bulok” na kontrata, ayon sa isang whistleblower.

Sa panayam ko sa kanya noong Linggo, sinabi ni Rhodora Alvarez, examiner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na parang hindi interesado ang Senate blue ribbon committee sa pag-iimbestiga sa maanomal-yang kontrata.

Sinabi ni Alvarez na bago siya tanungin tungkol sa kanyang exposé, ang mga tinanong ng komite ay mga opisyal na kanyang inaakusahan na diumano’y damay sa anomalya.

And when her turn came, aniya, hindi siya binigyan ng komite ng panahon upang maipaliwanag niya kung bakit niya ginagawa ang akusasyon.

Ang pinagdiinang tanungin sa kanya ay kung bakit siya ay nasangkot sa kontrata samantalang siya ay isang government employee.

But question of being a government employee is irrelevant at the moment since what she’s exposing is a deal which is very disadvantageous to the government.

Sa aking palagay ay ayaw mabunyag ang anomalya na ang may kagagawan ay si Defense Secretary Voltaire Gazmin na kaibigan at kaalyado ng pangulo.

Kapag pinakinggan ng blue ribbon committee si Alvarez ay malamang makakasuhan sina Gazmin at Defense Underecretary Fernando Manalo ng plunder.

Si Manalo ang chairman ng bids and awards committee na nag-apruba ng kontrata at si Gazmin ang pumirma nito.

Sa kontrata, bibili ang contractor ng mga helicopter scraps sa Germany, ire-reconstruct at i-refurbish ang mga ito na parang bago, at ipadadala sa Pilipinas upang magamit ng Philippine Air Force (PAF) sa combat missions.

Sa 21 helicopters na nakalagay sa kontrata, pito na ang nai-deliver, pero isa pa lang ang nakakalipad.

Noong 2014 State of the Nation Address (Sona), pinagmalaki ng Pangulong Noy na may darating sa bansa na mga 21 state-of-the-art helicopters at gagamitin ng Armed Forces sa mga combat missions.

Ang hindi alam ni PNoy, ayon kay Alvarez, ay ang sinasabi niyang “state of the art” na mga flying machines ay ginawa lang sa backyard ni Robert Rice, nagmamay-ari ng Rice Aircraft.

Ang Rice Aircraft,
ayon kay Alvarez, ay isang ordinaryong kumpanya sa America na nagre-restore ng mga lumang eroplano at pinalalabas nitong mga bago.

Ang hindi alam ng pangulo, ani Alvarez, ay dalawang beses na hindi pumasa sa public bidding ang Rice Aircraft pero
ipinasa na rin dahil ang kontrata ay tailor-made para sa kanya.

(Kung hindi nagkakamali ang inyong lingkod, sa ilalim ng rules ng Commission on Audit, bawal bumili ang ating gobyerno ng mga second-hand na mga gamit; oo nga’t tumatanggap tayo ng mga gamit na second-hand na galing sa foreign governments pero no money involved, kaya’t ilegal ang P1.26 billion contract as per COA rules—RT)

Nang dumating ang pitong helicopters sa bansa, ang mga ito ay hindi tinanggap ng PAF inspection and acceptance committee dahil marami itong depekto, ani Alvarez.

Ipinakita ni Alvarez sa inyong lingkod ang report ng PAF inspection and acceptance committee.

Pero tinanggap ang mga choppers ng di kalaunan ni Lt. Gen. Jeffrey Delgado, PAF chief, dahil diumano ay na-pressure siya ni Gazmin.

Ayon kay Alvarez, hindi niya tinanggap ang P37.8 milyon na kanya dapat commission sa Rice Aircraft matapos niyang malaman na “bulok” ang kontrata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayaw kong maging responsable sa pagkamatay sa crash ng ating mga Philippine Air Force pilots,” ayon kay Alvarez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending