PAULIT-ulit na lamang tayong nakakarinig ng mga kaso ng ating mga OFWs, lalo na ang mga kababaihan, na tumatakas sa kanilang malulupit na amo, partikular na sa Gitnang Silangan.
Ngunit ang nakapagtataka nga naman, bakit paulit-ulit na nangyayari ito sa ating mga OFW?
At bakit patuloy pa ring nakakakuha ng OFW ang mga mapagsamantala at abusadong employer tulad nila?
Mahigpit ang kautusang ipinalabas ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz hinggil sa lumalalang isyung ito.
Ayon kay Baldoz, awtomatiko ‘anyang hindi na dapat padalhan pa ng OFW ang sinumang employer na tinakasan nag dating OFW na naglingkod sa kanya.
Wala nang ipoprosesong dokumento para muling makakuha pa ng OFW ang employer na may record na tinakasan ng OFW. Lalo pa’t kung marami nang kaso ang mga ito.
Dapat naman talagang huwag nang padalhan pa ng OFW ang mga employer na tulad nila.
Kaya nga tumatakas ang mga naglilingkod sa kanila dahil sa pagmamaltrato gaya nang hindi pagpapakain sa oras, di pagpapasuweldo, verbal at sexual abuse at marami pang iba.
Pero sa tinagal-tagal na ng Bantay OCW (15 years na po kami), meron pa rin talaga na mga blacklisted na mga employer na nagagawang makakuha pa rin ng mga OFW.
Kung halimbawa’y ang mga magulang ang na-blacklist, gagamitin nito ang mga anak nilang may kakayahang kumuha ng OFW, o maging ang malalapit nilang kaibigan.
At kapag may nakuha na, saka na lamang nila ililipat ang OFW.
Sa bahaging ito, malaki rin ang papel na gagampanan ng ating mga OFW.
Maaari kasi nilang malaman kung may dati nang record ang naturang employer sa mga pagmamalupit nito.
Kung alam ng ating OFW na madalas takasan ng kanilang kasambahay ang isang employer, at bukod pa sa mga impormasyong kanilang makukluha, huwag matakot magsumbong sa mga opisyal ng embahada at konsulado ng Pilipinas, upang makarating sa kanilang kaalaman na napalusutan na naman sila ng mga blacklisted at may mga bad record na employer. ***
Nakatanggap po ako ng mga text mula sa ating mga reader.
Narito po ang kanilang mensahe na sasagutin natin sa Miyerkules.
Itanong ko lang po kung ano ang number ng Phil. Embassy sa Oman? Nando po kasi ang kaibigan ko baka may mangyari sa kanya, sa embassy na lang ako tatawag. — Erna Lagunday, 27, Magsaysay Blvd., Sta. Mesa, Manila
Gusto ko po malaman kung tama po ba ang desisyon ng company ko sa Canada na hindi ako pabalikin gayon na may kontrata po akong pinirmahan.
Nag-renew po kasi ako ng visa nun dito sa Pinas pero date na po nang balik ko pero wala pa po yung visa ko. ano po ang dapat kong gawin? — Wally Fetalvero, 35, Cebu
Mam Susan, matagal na po akong nag-aaplay sa PTC sa RCCL bilang repairman 2010 pa ako nakapag-aplay.
Nabasa ko yung edition mo nung August 1 na nangangailanganang RCCL ng repariman.
Ask ko sana kung na-aprub na yung application ko. Sana matulungan ninyo po ako. — Jerry Omena, 36, Balasan, Iloilo City
May problema kami sa OEC sana ma computerized na ..online na payment. — twitter@sharielzoe_
vvv
(Editor: May komento, tanong o suhestyon ba kayo? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)
vvv
Si Susan Andes a.k.a. Susan K. ay napapakinggan sa RADYO INQUIRER 990 AM (Lunes-Biyernes 12:30 hanggang 2 p.m.) Meron din siyang programa sa telebisyon sa PTV 4 (Biyernes 8-9pm) at GMA NEWS TV International. Maaring magtungo sa BANTAY OCW FOUNDATION OPERATIONS CENTER sa 631 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.