Magdyowa na: Erich na-shock sa pag-amin ni Daniel sa TV
NADULAS si Daniel Matsunaga at biglang napaamin na sila na nga ni Erich Gonzales.
Nangyari ang pag-amin ni Daniel sa Kapamilya Deal or No Deal kahapon. During the episode kasi ang natanong ni Luis Manzano si Daniel, “Ano ba’ng meron?”
Agad-agad naman ang naging tugon ng Brapanese model-actor who said, “Well, nu’ng naging kami…” Gulat na gulat naman si Erich sa biglang pag-amin ni Daniel and she uttered “Ha!?”
Maagap naman si Luis who said, “Oh…OK. Tapos. Tapos.” Actually, wala namang naniniwala na hindi pa magdyowa sina Erich at Daniel. Sa dami ng ipinost nilang sweet moment photos together ay bobo na lang ang maniniwalang they’re just friends, ‘no!
Actually, mas mukhang in love itong si Erich kay Daniel and it’s not the other way around. Kitang-kita naman kapag magkasama silang dalawa. Parang si Erich ang kilig na kilig at patay na patay sa kanyang bagong boyfriend.
Tsaka iniwan nga ni Erich ang kanyang mayamang Chinese businessman-boyfriend para sa Brapanese model. Na-develop si Erich kay Daniel nang magsama sila sa isang teleserye about kabit.
Idagdag pa ang laging nilang pagge-guest sa morning show ni Kris Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.