Hamon kay Angel sa Darna: Get ready to rumble!

By Ervin Santiago June 04,2015
share this

Hamon kay Angel sa Darna: Get ready to rumble!

By Ervin Santiago June 04,2015
share this

angel locsin

Maraming followers at fans ni Angel Locsin ang nagsa-suggest na gawing official entry ng Star Cinema ang bagong movie version ng “Darna” sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Nakita namin sa Instagram account ni direk Erik Matti, ang gagawa ng sinasabing pinakabonggang version ng “Darna” ang isang larawan na kuha mula sa ginanap na production meeting para sa nasabing proyekto na may caption na: “Our first meeting of the crew after two years. Finally.”

Nagsimula na nga raw ang brainstorming para sa bagong “Darna” na pagbibidahan nga ni Angel. Dito nga raw sinabihan ni direk Erik si Angel ng, “get ready to rumble” na tila hamon sa aktres na maghanda na sa gagawin niyang mga pasabog na eksena.

Kung matatandaan, unang gumanap na Darna si Angel noong 2005 sa GMA at muli nga niyang lulunukin ang bato ni Darna ngayong taon para sa big screen.

Sa isang interview kay Angel ipinagmalaki nito na ang bagong version ng “Darna” na gagawin ng Star Cinema ang maaaring pinaka-daring sa lahat, “Ang tapang! Ang tapang ng Star Cinema para gawin itong project na ‘to.

“And ako, bilang napili nilang artista dito, sobrang…hanggang ngayon, speechless talaga ako! Overwhelmed ako kung gaano kalaking proyekto, gaano kaganda, at kung gaano kagagaling ‘yung mga tao na kinuha nila behind ng camera.”

“Ang makakatrabaho ko dito, best of the best ng industriya talaga,” hirit pa ng girlfriend ni Luis Manzano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending