Kris may hiling kina Daniel at Karla
ANG bunsong kapatid ni Daniel Padilla ang posibleng makasama ni Bimby sa pinaplanong Metro Manila Film Festival entry ng kampo ni Kris Aquino at ng Star Cinema sa darating na Disyembre.
Ayon kay Kris, kailangan daw nilang kumbinsihin ang cute na cute na anak ni Karla Estrada na si Carmela Ford para pumayag na mag-artista na rin tulad ng kanyang kuya Daniel.
Sa isang episode ng Kris TV, sinabi ni Kris na posibleng sina Bimby at Carmela na ang maging future KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel) ng showbiz kapag napagsama nga sila sa isang proyekto.
Sey pa ni Kris, ngayon pa lang ay super excited na siya sa susunod na entry ni Bimby para sa MMFF 2015. Last year nakasama ang bunsong anak ni Tetay sa “The Amazing Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda.
“Io-offer na nga namin magpi-present na sila (Star Cinema executive) Roxy (Liquigan) sa iyo for MMFF, silang dalawa (ni Bimby) sana,” chika ni Kris kay Karla na nakasama niya uli sa nakaraang episode ng Kris TV.
Pero ayon kay Karka, kailangang kausapin daw muna niya si Daniel na “very strict” nga pagdating sa kanyang mga kapatid. Hindi raw siya sigurado kung papayagan ni DJ na mag-artista rin si Carmela.
Ang gusto raw kasi ni Daniel ay makapagtapos muna ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid bago mag-showbiz.”Si DJ ‘di ko pa nakakausap, kasi hindi ba siya ‘yung ayaw, ayaw,” sey ni Karla.
Hirit naman ng mommy ni Bimby kay Carmela, “Ikaw ang mag-convince sa kuya mo na payagan ka.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.