Di naniniwala sa malas: Toni isinukat ang wedding gown | Bandera

Di naniniwala sa malas: Toni isinukat ang wedding gown

Jobert Sucaldito - June 04, 2015 - 02:00 AM

toni gonzaga

NAPABALITANG ang sikat na Hollywood fashion designer na si Vera Wang ang gumawa ng wedding gown ni Toni Gonzaga. Of course, hindi naman sila personal na magkakilala ni Toni – binili lang nito ang gown sa isang Vera Wang store sa Amerika.

In fairness daw to the gown, maganda ang design at fit nito kay Toni pero meron akong isang worry that bothers me –hindi ba’t bawal for a lady to wear her gown until her wedding day? Iyan kasi ang kasabihan ng mga matatanda kahit noong bata pa tayo.

Ang sabi raw, hindi raw matutuloy ang kasal pag ganoon. Pero itong kay Toni raw ay piniktoryal na raw niya sa isang glossy magazine kaya paano iyon? Though we don’t wish bad on her forthcoming wedding – gusto natin siyempreng matuloy dahil sayang naman ang matagal na panahong paghihintay nila ng groom-to-be niyang si Paul Soriano.

“Sa Catholics, iyan ang kasabihan. Pero Toni naman I guess is not Catholic – so with Paul, di ba? Parang pareho silang Christians. Kaya hindi sila sakop ng paniniwala nating iyon.

Tsaka, modern times na – sa palagay ko naman ay di na gaanong nasusunod iyon,” anang isang close friend ko. Ah okey. Kasi nu’ng bata pa ako, palagi kong naririnig iyan sa mga matatanda sa amin sa Pandan, Dingle, Iloilo.

Ganoon na katagal iyon pero tandang-tanda ko pa. Kahit sa mga pelikula natin dati, di ba? Ipinakikita ang paniniwalang ito tungkol sa pagpapakasal.

Well, I just wish that everything becomes smooth sa wedding nila.Kung kailan ito matutuloy ay hindi pa natin batid, wala pa naman kasi silang formal announcement.

Hindi pa rin nila inilalabas ang listahan ng kanilang magiging principal sponsors at mga abay. Sa pagkakaalam namin yung June 12 na schedule ng kasal nina Toni at Paul ay nabago na dahil na rin sa ilang commitments ng mag-asawa.

Hayaan ninyo, ia-update namin kayo. Promise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending