P180M jackpot sa Grand Lotto 6/55 bukas na | Bandera

P180M jackpot sa Grand Lotto 6/55 bukas na

Leifbilly Begas |May 31,2015
facebook
share this

P180M jackpot sa Grand Lotto 6/55 bukas na

Leifbilly Begas - May 31, 2015 - 02:37 PM

655lotto

Walang nanalo sa P173.6 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Sabado ng gabi.
Kaya inaasahang aabot sa P180 milyon ang jackpot sa bola mamayang gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Walang nakataya sa mga lumabas na numerong 42-19-25-18-48-45 sa huling bola ng Grand Lotto. Umabot sa P44 milyon ang taya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P169,410 ang 13 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,660 naman ang 1,058 mananaya na naka apat na numero at balik-taya (P20) ang 25,519 mananaya.
Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Huling tinamaan ang jackpot prize nito noong Marso 4 kaya lumaki na ang premyo.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending