Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs Meralco
7 p.m. Talk ‘N Text vs Globalport
Team Standings: Barako Bull (4-1); Alaska Milk (4-1); KIA Carnival (3-1); Talk ‘N Text (3-1); San Miguel Beer (4-2); Globalport (3-2); Meralco (2-3); Barangay Ginebra (2-3); Rain or Shine (1-3); Star Hotshots (1-4); NLEX (1-4); Blackwater (1-4)
HANGAD ng Talk ‘N Text na makisalo sa liderato sa pakikipagsalpukan nito sa Globalport sa 2015 PBA Governors’ Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon, makakaharap ng Meralco ang expansion franchise Blackwater Elite.
Ang Tropang Texters are galing sa back-to-back na panalo kontra Alaska Milk (104-103) at NLEX (108-89) at mayroong 3-1 record. Kung mamamayani sila sa Globalport ay makakasosyo nila sa itaas ng standings ang Barako Bull at Alaska Milk na kapwa may 4-1 karta.
Ang Globalport ay may 3-2 record at natalo sa huli nitong dalawang laro. Pinayuko ng San Miguel Beer ang Batang Pier, 124-102, noong Mayo 17. Matapos ng apat na araw ay natalo ang Globalport sa Rain or Shine, 119-112, sa Dubai, Untied Arab Emirates.
Nagbalik aksyon si Jayson Castro laban sa NLEX at nagtala siya 19 puntos. Bukod sa kanya, inaasahan ni Talk ‘N Text coach Joseph Uichico sina Ranidel de Ocampo, Kelly Williams, Larry Fonacier at Jay Washington.
Ang Tropang Texters ay pinamumunuan ng Amerikanong import na si Steffphon Pettigrew at Asian reinforcement na si Sam Daghles.
Kontra sa Elasto Painters, ang Globalport ay nagparada ng ikatlong Amerikanong import sa katauhan ni Jarris Famous na nagpugay nang may 26 puntos at 16 rebounds.
Sa laro ring iyon ay gumawa ng panibagong career-high na 40 puntos si Terrence Romeo subalit kinapos pa rin ang Batang Pier.
Ang Meralco at Blackwater ay kapwa galing sa pagkatalo. Sinayang ng Bolts ang 19 puntos na abante at natalo sa NLEX, 105-99, upang bumagsak sa 2-3.
Dumaan naman sa dalawang overtime periods ang Blackwater bago natalo sa kapwa expansion team na KIA Carnival, 93-86, noong Martes. Ang Bolts ay kasama ng NLEX at defending champion Star Hotshots sa ikasampu hanggang ika-12 puwesto sa kartang 1-4.
Samantala, makakalaban ng Star Hotshots ang KIA Carnival sa isang out-of-town game bukas ng alas-5 ng hapon sa Angeles University Foundation sa Angeles City, Pampanga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.