Mga Laro sa Huwebes
(Ynares Sports Arena)
1 p.m. MP Hotel vs Jumbo Plastic
3 p.m. KeraMix vs Tanduay Light
Team Standings: *Cebuana Lhuillier (7-2); *Café France (7-2); xCagayan Valley (6-3); xHapee (6-3); KeraMix (4-4); Jumbo Plastic (4-4); AMA University (4-5); Tanduay Light (3-5); MP Hotel (1-7); Liver Marin (1-8)
*-semifinals
x-twice-to-beat sa quarterfinals
NAGTALA ng mahalagang panalo ang Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns para okupahan na ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals sa 2015 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Hindi pinapuntos ng Hapee sa loob ng apat na minuto ang MP Hotel Warriors para katampukan ang 87-81 panalo habang ang Cagayan Valley ay nakitaan ng mas magandang pagtutulungan sa 102-95 pananaig sa Cebuana Lhuillier Gems sa ikalawang laro.
Parehong tumapos ang Fresh Fighters at Rising Suns taglay ang 6-3 karta para tuluyang okupahan na ang ikatlo at ikaapat na puwesto.
Si Chris Newsome at Baser Amer ay nagtambal sa 13 puntos sa 15-2 palitan upang ang 64-67 iskor ay naging 79-69 kalamangan na tuluyang nagtiyak ng panalo sa Hapee.
“I thought the players displayed a lot of effort for us to win this game,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.
Sina Arthur dela Cruz Jr. at Ola Adeogun ay mayroong 15 at 14 puntos habang 11 ang ibinigay pa ni Amer para sa panalo. Tig-17 naman ang ginawa nina Khazim Mirza at Jopher Custodio para sa Warriors na bumaba pa sa 1-7 baraha.
May 25 puntos si Celedon Trollano, si Michael Mabulac ay may 22 puntos at 17 rebounds habang sina Abel Galliguez, Jason Melano at Eric Salamat ay nagsanib sa 37 puntos para manalo ang Rising Suns na naglaro ng hindi na kasama ang kanilang coach na si Alvin Pua na pinatawan ng lifetime ban.
Nagpakawala ng apat na triples tungo sa 16 puntos si Trollano sa ikalawang yugto para ibigay ang 49-38 kalamangan bago nagkapit-kamay sa huli upang maalpasan ang pagdikit ng Gems sa 85-87.
Ikalawang sunod na kabiguan ito ng Gems matapos ang 7-0 start pero wala ng epekto ito dahil umabante na sila sa semifinals kasama ng Café France Bakers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.