Jake game na game sa kama: Sanay na ‘ko! | Bandera

Jake game na game sa kama: Sanay na ‘ko!

Ambet Nabus |May 26,2015
facebook
share this

Jake game na game sa kama: Sanay na ‘ko!

Ambet Nabus - May 26, 2015 - 02:00 AM

jake cuenca1

Aktor na aktor ang peg ni Jake Cuenca nang humarap ito sa amin during the bonggang grand presscon ng “hubaran” serye na Pasion de Amor na mapapanood na sa ABS-CBN sa darating na Lunes.

After kasing mag-aral sa isang acting school ng aktor sa New York, ngayon lang siya uli mapapanood sa TV kaya’t excited ang marami kung anong klaseng acting naman ang ipapakita niya pagkatapos ng nagmarkang role niya noon sa Ikaw Lamang.

“Marami akong natutunan. Some new methods and techniques na iba at malayo du’n sa mga ginagawa ko. But it is not naman the thing here. Yung role ko kasi as the eldest brother of a family na naghahanap ng justice at nag-sacrifice para sa pamilyay, is not your usual role na makikita natin everyday.

“It may sound so ordinary lalo na sa Pinoy set-up, but the challenge here is, isa nga itong Mexicanovela at iba ang texture at atake nito, kaya kailangang lagyan ng Pinoy flavor para maka-relate ang mga kababayan natin, plus bago sa akin yung mga kasama ko na gaganap na mga kapatid ko,” paliwanag ni Jake.

Sanay na raw siya sa mga sensual at sexy scenes kaya madali lang niya itong nagawa sa Pasion de Amor, pero yung gumanap bilang kuya at maghiganti sa mga babaeng makakalaban ng kanilang pamilya ang big challenge sa kanya.

Gaganap na mga utol niya sa serye ang dalawa pang Kapamilya hunk actors, sina Ejay Falcon at Joseph Marco habang ang mga sexy sisters na makakabangga nila ay gagampanan naman nina Arci Muñoz, Ellen Adarna at Coleen Garcia na wala ring kiyeme sa paghuhubad.

Sey nga sa amin ng direktor ng Pasion de Amor na si Eric Quizon, “Ito na siguro ang pinaka-daring na teleserye na ginawa ko. Puro sexy at mga hunk na magagaling ding umarte.”

Ngayong June 1 na eere sa ABS-CBN ang Pasion de Amor bago mag-TV Patrol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending