Ano kaya ang reaction ni Mo Twister ngayon na inamin na ni Rhian Ramos na exclusively dating sila ni KC Montero na dati niyang best friend?
Nakakaloka itong si Rhian.
Noong una kasi ay super deny pa siya na nagde-date sila ni KC.
Ang palusot pa niya ay nagkakasama lang sila sa mga meeting.
Despite her denial, marami na ang nag-iisip na magdyowa na silang dalawa noong isang buwan pa.
Nakita kasi sila nang ilang beses na magkasama sa ilang showbiz events.
At there were instances na silang dalawa lang talaga like when they were seen in a fastfood chain sa bandang South.Nakita rin daw ang dalawa when Rhian visited KC in his office.
But now, Rhian is singing a different tune.
Inamin niyang exclusively dating sila ni KC.
We’re one of the followers of Mo Twister on Twitter and wala pa kaming nakikitang reaction ng binata sa pag-amin ni Rhian.
Ouch! Ang sakit naman yata na ang ipinalit ni Rhian sa kanyang ex-boyfriend ay ang ex-best friend nito.
Talk about karma?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.