Kris kay Bistek: Huwag na tayong maglokohan, personalan na ‘to! | Bandera

Kris kay Bistek: Huwag na tayong maglokohan, personalan na ‘to!

Reggee Bonoan - May 22, 2015 - 03:00 AM

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

Tuloy na tuloy na sa papel ni Kris Aquino bilang kabit sa “Etiquette For Mistress”. Ito ang kinumpirma ng TV host-actress sa ginanap na LBC Padala Express launch niya bilang endorser.

“Meron kasi akong kontrata sa isang produkto, going 10 years ko na silang endorsement at meron silang stipulation doon about having the right to approve or disapprove rules that could prove that good wholesome family image of their product.

“At magpapakatotoo ako, ‘yung kinikita kosa kanila (produkto), di hamak na times 10 ng kikitain ko sa kahit anong movie.

“Siyempre, di ba bibigyan mo ng halaga, pero nu’ng sinabi ko sa kanila ‘yung storyline, characterization ko, na-realize nila na, ‘yung theme at ‘yung title, may redemption at ‘yun ang importante sa kanila.

“So, my role in this movie is a mistress. I’ll be doing this movie with Claudine Barretto and Kim Chiu. There’s two more na hindi ko pa puwedeng sabihin,” sabi pa ni Kris.

Natanong din sa kanya ang tungkol sa pelikulang pagsasamahan nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Star Cinema na may working title na “Saving Forever For You” na ididirek ni Antoinette Jadaone. Pumalag si Kris sa sinabing strictly professional lang sila ni Bistek sa pelikula dahil tinitiyak niyang may personalan ito.

“Siyempre, may personalan ito. Huwag tayong maglokohan na strictly professional. Hindi naman namin gagawin ito kung walang personal. Hindi ko kayo bobolahin, meron, may personal na reason. Inamin ko ‘yon, na gusto kong masagot yung mga ‘what if.’

“Tinanong ko rin naman siya, sinabi ko rin sa kanya na he became sensitive, kasi hindi rin naman siya sanay sa ganung level ng bashing. Sa kanya, ang bashing ay hindi nakolekta ang garbage or mataas ang building permit or mataas ang binabayaran na business permit.

“So, noong nagkausap kami nang masinsinan, sinabi niya na, ‘Ganyan ba talaga?’ Sabi ko, ‘You know, your number one defense is your good sense of humor. The best thing we can do is to give them a product that we can be proud of.’ ‘The very fact na ang director of the moment, si Direk Antoinette Jadaone, e, na-excite gawin ito, magtiwala na lang tayong dalawa,” say ng Queen of All Media.

Hindi co-producer si Kris sa project kaya puwede raw niyang i-request na no visitors allowed sa shooting, “Kasi wala akong bakas dito, talent fee lang. Siyempre, mayroon na silang (Star Cinema) fear. Iba kung yung pera mo ang on the line.

“Kung pera mo ang on the line, gagawin mo ang lahat para matapos ang pelikula. Kung nakasuweldo ka at wala ka nang on the line na ‘to, puwede kang magpaka-brat, na hindi ko naman gagawin. Siyempre, ‘di ba, puwedeng magkaroon ng nananadya?

“Ayaw ko namang may makita akong hindi ko type makita. I’m sure, siya rin naman, ayaw niya ng may makita siya roon na hindi niya gustong makita. So, may mga rules na kami,” pahayag pa.

As of this writing ay hindi pa malinaw kung kasama ito sa 2015 Metro Manila Film Festival. Ayaw ding sabihin ni Kris ang target na playdate ng kanilang movie.

At dahil malapit na ang eleksyon (sa Mayo 2016 na) ay natanong si Kris tungkol sa isyu ng pagtakbo ni Bistek, “May mga political implications din that suddenly came to that. Nire-review ngayon ng mga lawyers ang mga rules ng Comelec.”

Samantala, may bago na namang product endorsement ang Queen of All Media, ang LBC Express Padala, “nagustuhan ko kasi ang tag line nila na, ‘huwag mo lang ipadala, ipadama mo.”

Fifty years na rin sa industriya ang nasabing courier services pero ngayon lang sila kumuha ng celebrity endorser dahil naniniwala silang malaki ang maitutulong ni Kris sa partnership nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ng TV host-actress, “as a brand endorser, I always make sure that the brand I partner with is trustworthy.” At halos lahat ng packages niya o dokumentong pinapa-deliver ay LBC ang pinagkakatiwalaan niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending