Kampo nina Brillante Mendoza at Loren Legarda kinawawa si Nora | Bandera

Kampo nina Brillante Mendoza at Loren Legarda kinawawa si Nora

Jobert Sucaldito - May 21, 2015 - 02:00 AM

nora aunor

NAGKAMALI ako the other day sa title ng film ni Ms. Nora Aunor na kasali sa Cannes Film Festival, ang naisulat ko kasi ay “Dementia”, it’s “Taklub” pala. My apologies.

Anyway, speaking of our one and only Superstar, may nakaka-shock palang pangyayari kaya hindi na tumuloy sa Cannes filmfest sa France last Sunday si ate Guy.

Sayang dahil we could have been together sa 31st anniversary ng Music Box nu’ng gabing iyon, May 17 – pero dahil tutungo nga siya sa France, tumuloy si Mama Guy sa airport ready to leave.

Dala-dala niya ang napakagandang gown na isusuot sana niya sa red carpet premiere sa Cannes. Kaya lang, something happened. Sa airport na lang nalaman ni Mama Guy that she was traveling economy class.

OMG! Si Nora Aunor pagbibiyahiin nila to France on economy class? Ganoon lang ba kababa ang tingin nila sa mahal nating Superstar? That’s grossly unfair – so unfair, di ba?

Hindi sa anupaman, bago pa man magtaray ang iba riyan, it’s not easy to travel sa isang napakalayong lugar on economy class. Sobrang nakaka-haggard iyon. Very stressful.

She could have been at the least sa business class section kung hindi afford ng organizers nito (Direk Brillante Mendoza and Sen. Loren Legarda) ang first class.

Sana man lang ay iginalang nila ang ating Superstar. Hindi sa minamaliit natin ang economy – hindi isyu iyan for us ordinary people kung malapit lang sana like HongKong, Singapore, Thailand – pero sa status naman ni Ms. Nora, it’s a must na ilagay naman natin siya sa business class kung hindi nga kaya sa first class.

Ang totoo po niyan, katsi-check-out lang ni Mama Guy that day from the hospital dahil na-confine siya. Dahil sa kagustuhang makadalo sa Cannes ay nakiusap siya sa doctor niyang payagan siyang umalis. Her doctor advised her to bring her medicines and follow instructions.

Since akala nila ay nasa business class naman siya, makakahiga siya at mari-relax kahit paano. Kaya laking gulat talaga niya nang makita niyang sa economy siya uupo.

Kung ako nga na mas mababa pa sa starlet ay hindi nagta-travel ng malayo on economy, si mama Guy pa! Kasi nga, takot ako sa airplane lalo na long flights. Gosh! Baka ikamatay ko pa, ‘no! Kaya ang ginagawa ko pag long flights, umiinom ako ng maraming wine sa plane at sa business section lang open ang maraming wine.

Sa economy, baka two glasses lang. Hindi ako malalango roon. Ha-hahaha! So, malaking diperensiya talaga. Iyon nga lang, mahal sa business class. Pero kung sina Sen. Loren Legarda at Direk Brillante Mendoza naman ang sponsors mo, imposible namang hindi nila afford na bigyan ka ng business class ticket.

Ang nakakatawa kay Mama Guy, para hindi na lang mapasama sina Direk Brillante at Sen. Loren sa mga fans niya sa airport, ang idinahilan na lang niya ay nakalimutan daw niya ang passport niya sa bahay. Di baleng siya na lang ang mapasama sa mata ng fans.

Kaya lang, hindi naging maganda ang pagtanggap ng grupo nina Direk Brillante sa pangyayari – siya pa ang pinalabas na masama. Siya ngayon ang tinitira ng kampo ni Brillante dahil hindi na nga siya tumuloy sa France.

“Nauna kasi sina Mendoza at Legarda roon, pinasunod na lang nila sina Nora at assistant ni Direk Brillante. Kung ganoon sana, kung hindi pala nila nakunan ng business class ticket si Nora, sana inabisuhan nila ito much earlier para nagawan niya ng paraan para ma-upgrade niya ang ticket niya.

“Kaso nasa airport na siya nu’ng malaman niya kaya tama lang that she decided to go back home. Mali sina Mendoza at Legarda rito – respeto lang sa estado ng isang Superstar. Kaya Nora deserves an apology from them, not the ther way around,” sabi sa akin ng isang batikang journalist.

Hay naku, kahit saang anggulo mo tingnan ay tama si Nora rito. Kaya walang karapatang magtaray sina Mendoza at Legarda kung hindi man siya tumuloy sa France.

Hinayang na hinayang talaga si Mama Guy dahil pagkakataon na sanang maka-rub elbows niya ang ilang bigating artists na kasali rin sa said filmfest.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Di bale, let’s still hope na manalo ang “Taklub,” na sana’y mapansin ito ng jurors sa Cannes. Kung nandoon si Mama Guy, malamang na makakadagdag sa points nila iyon.

Kaso, pang-economy lang pala ang tingin sa kaniya nina Mendoza at Legarda samantalang sila ay bongga ang flight section when they flew ahead of her. Mga lukring, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending