Mismong si Mommy Divine na raw ang nag-utos
Trulili ba na problemado raw ngayon si Gerald Anderson dahil hindi na raw matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila uli ni Sarah Geronimo.
Naihinga raw ni Gerald ang problema niyang ito sa ilang kaibigang taga-showbiz at sinabing umayaw daw bigla ang mommy ni Sarah na si mommy Divine.
Nagulat kami sa kuwentong ito sa amin dahil ang alam namin ay okay na sina Gerald at Sarah sa magulang niya at malaya na itong nakakadalaw sa bahay ng aktres bagay na hindi nangyari noong panahong sila pa ni Rayver Cruz.
Maging sa interviews nila ay magaganda ang messages nila sa isa’t isa.
“‘Yun nga, akala rin namin.
E, biglang pinigilan ng dumalaw si Gerald kina Sarah, bawal na ring magtext-text, bawal na ring magsama muna. Sobrang in love na raw kasi ang dalawa,” tsika pa sa amin.
At para raw makaiwas munang magkita at magkalapit ng husto ang dalawa ay nakiusap daw si mommy Divine na huwag nang ituloy ang pelikula ng dalawa, bigyan na lang daw ng ibang project ang dalaga.
Samantala, tinanong naman namin si direk Cathy Molina na siyang magdidirek ng nasabing pelikula, “Postponed lang po, pero gagawin pa rin,” matipid na sagot sa amin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.