Benefit show para kay Joy Viado suportado ng Pinoy singers | Bandera

Benefit show para kay Joy Viado suportado ng Pinoy singers

Julie Bonifacio - May 20, 2015 - 02:00 AM

joy viado

Nangingitim man ang talukab ng kanyang mga mata, hindi naman mapapabulaanan na masaya ngayon ang TV host-singer-comedian, and manager for the first time, na si Arnell Ignacio.

Paano kasi nandoon ang pagmamahal niya sa kauna-unahan niyang talent sa katauhan ng singer na si Ken Psalmers. Na-meet at nakausap namin personally si Ken with few members of the entertainment press sa isang sikat na resto sa Kyusi last Monday.

Nagpa-sampol pa ng awitin si Ken para sa amin at doon naunawaan namin kung bakit siya binigyan ng career ni Arnell sa showbiz.

Dating member ng banda si Ken and then later on naging isa sa mga singers na nagho-host sa The Library at Fab na pag-aari ng comedy bar tycoon na si Andrew de Real. Kasunod nito ay nagpunta siya sa iba’t ibang bansa sa Asia para mag-perform.

Two years din siyang nag-perform sa China kung saan dumanas siya ng labis na lungkot for two years. Nalungkot siya kasi hindi naman naiintindihan ng audience niya ang mga kinakanta niya at kung saan-saang probinsya siya sa China nadedestino.

Pangalawa, nasa China rin siya nang ma-mild stroke ang kanyang ina na isang misyonaryo sa Palawan. Pangatlo, namatay ang goldfish na binili niya sa tabi ng apartment na tinitirhan niya dahil sa sobrang lamig.

Pagbalik niya ng bansa, balik din siya sa pagkanta sa Fab kung saan nakita siya ni Arnell. “Matagal ko na siyang kilala kasi nagse-set ako sa Library.

Pero siya nakikita niya ako, hi and hello lang. Pero a month ago nilapitan niya ako, nagkausap kami,” lahad ni Ken.Anyway, kaya nagpa-presscon si Arnell sa bago niyang alaga, dahil isa si Ken sa mga magpe-perform sa benefit show para sa komedyanang si Joy Viado sa The Library ngayong gabi.

Ang dami raw mahuhusay na performers ang magsi-share ng kanilang talent para sa benefit show for Joy. Kakanta si Ken habang tutugtog naman sa piano si Arnell. At sasamahan pa sila ni Jay Cayuca. Taray ‘di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending