KAHIT hindi rehistrado sa Social Security System (SSS) ang mga nasunog na manggagawa ng Kentex Manufacturing Corp. ay otomatikong makakatanggap ng benipisyo mula sa Employees Compensation Commission (ECC) ang pamilya ng mga namatay.
Nagpasa na ng board resolution ang ECC para sa agadang pagpapalabas ng funeral benefits na maaaring matanggap ng dependents ng mga namatay sa sunog sa Valenzuela City.
Mayroon na ring masterlist ang ECC at kasalukuyan na itong ibina-validate ng ECC Quick Response Tean (QRT) para malaman ang mga tunay na kaanak ng mga biktima ng sunog.
Ngunit kinakailangan pa rin na mag-file ng claim ang mga dependents para makuha ang benipisyo.
Makakatanggap ng P20,000 funeral benefits ang bawat isa, bukod pa sa tinayang P4,000 na monthly pension ng naiwang pamilya at depende sa dami ng anak na wala pang 18 years old pataas ay makakatanggap din ng benipisyo
Ang nasabing benipisyo ay mula sa EC program ng ECC, na pinamamahalaan naman ng SSS
Sa ilalim ng Presidential Decree No. 626, o State Insurance Fund, makakatanggap ng benepisyo ang isang manggagawa kung ang pagkakasakit ay magiging sanhi ng pagkabaldado, o pagkamatay, na bunga ng aksidente habang ito ay nagtatrabaho.
Para sa mga dumanas ng permanent partial, o total, disability dahil sa sunog, ang ECC ay magbibigay ng career’s allowance, ang sakop nito ay kung hindi nito kayang asikasuhin ang personal niyang pangangailangan.
Ms Cecille Maulion
IPAD, chief
Employeed Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.