Pagkatapos niyang mag-resign sa Paparazzi
CONFIRMED na raw, hindi na babalik si Ruffa Gutierrez sa weekly talk show nitong Paparazzi sa TV5 dala ng sobrang sama ng loob sa mga kasamahan niya sa programa in last week’s episode kung saan sinelebreyt ang kanyang birthday.
Di raw nagustuhan ni Ruffa ang nangyari sa isang segment kung saan ay na-playtime siya ng kanyang co-hosts.
She was very vocal to tweet na siya’y nabastos at tinawag pang basura ang kanilang programa.
At hindi lang iyon, nagalit pa raw ang kanyang inang si tita Anabelle Rama, tinawag daw ng kung anu-anong hindi masikmurang adjectives ang mga writers at ibang staff ng show.
This immensely insulted daw the whole staff at nakarating na rin daw yata sa management kaya they are calling for a meeting para pag-usapan ang existing contract ni Ruffa sa network. Tsinallenge pa raw ni tita Anabelle and MTRCB to look into the matter dahil dapat daw ay hindi nila ito pinalalagpas.
Ngayon ay naglabas na ng official statement ang MTRCB sa pamumuno ng magiting na si Ms. Grace Poe-Llamanzares at sinabi nitong wala silang nakitang objectionable sa kanilang monitoring.
Wala naman daw diretsahang paglabag ang nasabing programa sa kanilang batas. In short, napahiya raw ang mag-ina sa kanilang sumbong.
Now, what happens to Ruffa dahil mawawalan na siya ng regular talkshow na siya lang namang pinagkakaabalahan niya sa TV? Oo nga, alam naman natin na guaranteed ang contract niya with TV5 – meaning, kahit wala siyang jobs ay sasahod pa rin siya. But on a case to case basis pa rin ito sa pagkakaintindi ko.
Babayaran ka ng istas-yon pag sila ang may pagkukulang, halimbawa ay wala silang maibigay sa iyong work, you still get paid.
Pero sa ganitong pagkakataon na ikaw ang mismong nag-resign sa show, mukhang iba ang magiging usapan diyan.
Medyo mati-technical ka diyan at malabong babayaran ka pa rin nila for leaving their show.
Iyan ang pagkakaintindi ko.
May balita ako na isang teleserye ang nakatakdang gawin ni Ruffa sa TV5, pero iba pa rin ang isyu sa Paparazzi.
Anyway, hindi naman lingid sa kaalaman nating minsan ding umalis si Ruffa sa The Buzz nang feeling niya ay ininsulto raw siya ni Kris Aquino.
Umiyak pa nga si Ruffa that time pero hindi pa tumatagal, hayun at pumirma na siya ng kontrata sa TV5.
Ang dating sa amin, gumawa lang siya ng lame excuse para layasan ang show kasi nga meron na pala siyang nakabinbing negosasyon with TV5.
Ang tingin ko, malabo na siyang i-absorb ng ABS-CBN for what she did before.
Feeling ko lang naman yan.
Kasi, hindi rin naman natin masasabi ang kapalaran, di ba?
Hindi ko rin sure kung kukunin siya ng GMA.
Kaya kapag lumala ang problema, saan pupunta si Ruffa? Movies?
Ilan na lang bang malalaking kompanya ang gumagawa ng pelikula?
She will be so limited in terms of jobs and career opportunities.
Unless mag-concentrate na lang siya sa negosyo or mag-asawa ng super-yaman para masunod ang luho niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.