JM, Jessy wala nang hiya-hiya, garapalan kung maglandian | Bandera

JM, Jessy wala nang hiya-hiya, garapalan kung maglandian

Ambet Nabus - May 15, 2015 - 03:00 AM

JM DE GUZMAN AT JESSY MENDIOLA

JM DE GUZMAN AT JESSY MENDIOLA

Tuwang-tuwa namang ikinuwento sa amin ng aming mga “dear” friends sa pagpapaganda (Ha-hahaha!) ang nasaksihan daw nilang kakaibang sweetness nina JM de Guzman at Jessy Mendiola sa isang event.

Naniniwala nga silang lahat na love is lovelier the second time around sa dalawa dahil kumpara noong mga nakaraang panahon na nakakasalamuha nila ang mga ito, wala na raw inhibitions o mga pagkukunwari ang ikinikilos ng dalawang Kapamilya stars.

Sey pa nga ng nakatsika namin, “Noon kasi, kapwa pa siguro sila mga bago sa showbiz at hindi sanay sa kalakaran. Kaya rin siguro nauwi sa hiwalayan dahil hindi nila kinaya ang pressure. Pero ngayon, aakalain mong mag-asawa na sila na kahit sa public places at maraming tao na nakakakita sa kanila, eh dedma lang sila. Ang sweet-sweet nilang panoorin at nakakahawa ang mga landian moments nila!”

Naniniwala ang mga kausap natin na kapwa magbe-benefit ang career nila kung magpapatuloy daw ang mga ito sa pagpapakatotoo nila sa kanilang mga emosyon though may warning silang sinasabi na huwag naman daw sanang mauwi sa buntisan ang sobra nilang pagiging “intimate” (read: yakapan, sobrang touchy sa isa’t isa, etcetera).

Payo nga ng mga intrigerang kausap natin, “Yun nga lang ang dapat nilang iwasan. Kasi kung sa harap nga ng publiko eh, nagagawa nilang magpakita ng mga emosyon nila in a very intimate manner, how much more kapag silang dalawa lang?”
“Responsible adult naman siguro sila ‘noh?” hirt naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending