ISANG bagitong motor rider ang nag-text sa Inquirer Bandera ang nagpahayag ng kanyang interes sa MOTOR Section ng Bandera na lumalabas tuwing Miyerkules.
Ayon kay James, mula sa Barangay Galas, Digos City, isa na nais niyang talakayin ng Bandera ay kung kailan dapat magpalit ng brake pads.
Nais niyang malaman kung ilang kilometro ang kailangang takbuhin ng kanyang motor bago tuluyan niyang palitan ang kanyang brake pads.
Ang pagpapalit ng brake pads ay depende sa kung gaano na ito katagal at kung gaano na kagasgas.
Depende rin ito sa kung gaano kalaki o kabigat ang kargado ng motor, ang bilis at maging ang kundisyon ng kalye.
Gayunman merong mga Japanese manufacturers ang nagsasabi sa kanilang manual na dapat palitan ang brake pads kung nakatakbo ng ang motor nang may 4,000 kilometro.
Yun nga lang hindi naman sinusunod ng mga riders sa bansa ang ganitong suhestyon ng Japanese manufacturers.Unang una ay dahil iba-iba ang kondisyon ng kalye sa maraming bahagi ng bansa, bukod pa sa iba-iba rin naman ang attitude ng driver pagdating sa pagmamaneho at pagsakay o pag-angkas.
Kadalasang naluluma kaagad ang pads sa mga lugar na madalas na inuulan at mapuputik, hindi pa kasama diyan ang pagiging pabaya ng rider.
Ang pinakamadaling paraan para makita kung sablay na ang iyong pads ay kung susuriin ito “physically”.
Ang grooves ay kailangang masuri sa bawat pad.
Kailangan palitan na ang pads kung sirang-sira na ito hanggang sa ilalim.
Kailangan ang ipapalit na pads ay mga orihinal dahil ang paggamit ng substandard ay posibleng maglagay sa panganib sa buhay ng isang motorista at sa performance ng motor.—Lito Bautista
Editor: May tanong, suhestyon, komento o reaksyon ba kayo sa MOTOR Section ng Inquirer Bandera? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374. At sasagutin namin iyan sa susunod na Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.