Elmo: Lumalabas ang pagiging super ko kay Janella, gusto ko lagi siyang maligaya! | Bandera

Elmo: Lumalabas ang pagiging super ko kay Janella, gusto ko lagi siyang maligaya!

- June 28, 2017 - 12:05 AM

 

“GUSTO kong pinaliligaya si Janella araw-araw!”

Ito ang diretsong sinabi ni Elmo Magalona kahapon sa grand presscon ng bagong suspense-thriller movie ng Star Cinema na “Bloody Crayons”, ang unang pelikula nila Janella Salvador together.

Natanong kasi si Elmo kung ano na ang estado na relasyon nila ni Janella ngayon, at sinabi naging honest naman siya sa pagsasabing hindi pa sila magdyowa ng dalaga. Pareho raw kasing naka-focus ang magka-loveteam sa kanilang showbiz career.

“No, no, wala pa. I’m just happy na nakakapag-projects pa rin kami ni Janella right after Born For You, so, ayun, nabigyan ulit kami ng chance to show our skillis dito sa Bloody Crayons. So, we’re very happy. Thank you Star Cinema,” anang binata.

Pero sey ni Elmo, espesyal pa rin sa buhay niya si Janella kaya ginagawa niya ang lahat para mapasaya ang kanyang ka-partner kahit sa maliliit na bagay lang. “Lumalabas ‘yung pagiging super ko pagdating kay Janella. Kasi, nakilala ko na si Janella and wala, gusto ko siyang masaya lagi. Gusto ko siyang pasayahin lagi. Happy siya kapag may food. The secret through Janella’s heart is through her stomach,” sey pa ni Elmo.

Ayon naman kay Janella, bawal pa raw siyang mag-boyfriend dahil mas gusto niyang atupagin muna ang kanyang career at hindi pa siya ready pumasok sa isang serious relationship.

Samantala, kakaibang experience para kina Janella at Elmo ang pagbibida sa “Bloody Crayons” sa direksyon ni Topel Lee. Makakasama nila rito sina Jane Oineza, Sofia Andres, Diego Loyzaga, Yves Flores, Maris Racal, Ronnie Alonte at Empoy Marquez. Tulad ng sinabi ng creative team mg pelikula, ito na siguro ang pinakamalaki at pinakanakakakilabot na movie this season.

Ang “Bloody Crayons” ay hango sa sikat na Wattpad story at best selling novel ng Precious Pagesna ni Jason Argonza na sesentro sa kuwento ng isang college barkada na nagpunta sa isang isla para mag-shoot ng isang horror movie. Magsisimula ang mga madugong eksena nang laruin nila ang “Bloody Crayons” at isa-isang namamatay ang bawat miyembro ng grupo. Magiging palaisipan sa mga natitirang buhay kung sino ang tunay na killer.

Naglalayong ipakita ng “Bloody Crayons” ang bahagi ng buhay na susubok sa tatag ng tunay na pagkakaibigan. Sa kaso ng mga tauhan ng pelikula, isang delikadong laro ang siyang magpapasya kung mananaig ang tunay na pagkakaibigan sa pagiging makasarili. Showing na ang “Bloody Crayons” sa July 12 nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending