One on One with KIT THOMPSON: PBB HOUSEMATE iniwan ng mga dyowa dahil sa katabaan | Bandera

One on One with KIT THOMPSON: PBB HOUSEMATE iniwan ng mga dyowa dahil sa katabaan

|June 27,2012
facebook
share this

One on One with KIT THOMPSON: PBB HOUSEMATE iniwan ng mga dyowa dahil sa katabaan

- June 27, 2012 - 04:16 PM

Kaya raw ginawa niya ang lahat para pumayat

PERSONAL naming nakilala ang pinakapasaway na ex-housemate ng Pinoy Big Brother Teen Edition Season 4 na si Kit Thompson nang dumalaw kami sa bagong opisina ng Cornerstone Talent Management Center na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Si Kit ang pinakabata at pinakabagong talent ni Erickson at ayon sa butihing manager, “Ito yatang si Kit ang pinakapasaway kong talent, siya ang pinakaiba sa lahat.”

Paano naman kasi, unang linggo palang ni Kit sa PBB ay nakitaan na siya ng pagkaastig – sa pananalita, sa pakikisama at wala siyang keber kung nakakasakit na siya ng tao – kahit babae ka pa.

Aminado rin kami na talagang asar kami sa batang ito kaya naman nang matanggal siya sa Bahay ni Kuya ay iisa ang sinabi ng lahat, “Buti nga!”

Pero mukhang nakabuti ang pagkakatanggal ni Kit sa PBB dahil paglabas pa lang niya ay apat na TV projects na aagad ang sumalubong sa kanya.  Siyempre, hindi naman pupuwedeng tanggapin ng manager niyang si Erickson lahat iyon kaya namili lang muna sila ng isa, ito nga ang seryeng Kahit Puso’y Masugatan na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion, Jacklyn Jose, Iza Calzado, Andi Eigenmann at Jake Cuenca mula sa direksyon ni Wenn Deramas mula naman sa unit ni direk Laurenti Dyogi.

Nang umupo si Kit sa harap namin ay naramdaman na agad namin ang lakas ng kanyang dating,   guwapo kasi at maganda ang tindig sa taas na 6’1″ sa edad na 15 at kahit naka-casual lang siya ay kitang-kita na marunong pumorma, hindi dahil nabihisan lang.

Ang tunay na pangalan niya ay Keith Thompson.

Nag-iisang anak pala si Kit sa New Zealander niyang ama sa kanyang Pinay na ina na nagkaroon na ng dalawang anak na lalaki sa unang asawa.

“Bale, bunso po ako sa three boys, kasi I was the only child ng mom sa dad ko, but I’m okay with my two kuya,” nakangiting kuwento ng binatilyo na noo’y kasama ang kuya niyang medyo hindi nabiyayaan ng kaputian.

At dahil magaling magsalita ng Tagalog at sanay sa Maynila ay hindi halatang laking probinsiya si Kit, “Sa Pampanga po ako lumaki, at ipinanganak, doon din ako nag-aaral, 3rd year high school at sa OB Montessori po ako ng elementary.”

“Sa Pampanga po kami based at ngayong nandito na ako sa Maynila, hahanap ang nanay ko ng malilipatan ko para hindi na ako uuwi lagi sa Pampanga,” sabi pa ni Kit.

Hindi naman daw mayaman ang pamilya nina Kit, “Hindi naman po, sakto lang,” napangiting sabi ng binatilyo.

Diretso ang tanong namin sa kanya kung bakit niya pinasok ang pag-aartista gayung hindi naman niya kailangan ng pera dahil sunod naman siya sa luho?

Bakit hindi na lang niya ipagpatuloy ang pag-aaral at tularan ang daddy niya na isang piloto.

“Gusto ko ng fame?!” alanganing sagot ni Kit.

Bakit gusto mo ng fame? Kulang ka ba sa pansin?

“Ha-hahaha! Hindi naman, I want to be seen on TV,” muling katwiran nito. “Kasi parang fun,” dugtong ni ni Kit.
So, entering showbiz is fun?

“Hindi naman po fun lang, (halatang nagulat sa tanong namin), parang I’d like to be seen on TV, kasi I want to act, I also want to sing, like that. Dream ko po maging artista,” biglang bawi ni Kit.

Pinansin namin si Kit habang kausap namin dahil masyadong prim and proper na kabaligtaran sa napanood namin sa kanya sa PBB.

“Doon (Bahay ni Kuya) kasi, parang nakaka-pressure.

Parang nag-iba ang ugali ko doon.

Hindi naman mabait, pero parang nakakasawa sa mga tao du’n,” diretsong sabi ni Kit.

“Like ‘yung seeing them everyday straight, parang there’s some point na talagang nag-aaway kami na talagang nag-iba ang ugali ko,” dagdag nito.

Aware naman daw si Kit na maraming galit sa kanya at ng lumabas siya ay personal niyang nabasa ang lahat ng negatibong komento sa kanya sa lahat ng social networking sites, “Yes, I will try to fix it,” sambit niya.

At alam din ni Kit na kaya siya maagang napalabas ng PBB ay dahil hindi siya iniligtas ng taumbayan, “Yes, siguro. Ha-hahaha!”

Natawa din ang binata sa tanong namin kung kilala na niya lahat ang Cornerstone talents, sinabi namin na lahat ng mga ito ay mababait.

“Ha-hahaha! Opo. Parang ako lang naiiba po,” pag-amin sa amin ng bagets.

Pero may katwiran si Kit sa mga ipinakita niyang pangit na ugali sa loob ng PBB house, “Parang OA, talagang I reviewed the episodes, talagang paulit-ulit nilang ipinapakita ‘yung pangit na ugali ko.

Ang laswa. Actually, nagsisisi ako,” sabi ni Kit.

Samantala, napansin naming maraming peklat sa braso si Kit kaya tinanong namin siya nang diretso kung mahilig ba siyang makipag-away dahil nga kursunadahin ang tipo niya.

“Hindi naman po, ito (malaking peklat sa siko), sa taekwondo, ito, ‘yung sa PBB, sa task, nu’ng winash namin ‘yung comforters, may nakatali tapos nasabit  ako.

“Then I have scars din dito (sa binti) dahil sa long boarding, mahilig ako sa extreme sports, gusto ko ring mag-try ang ky diving,” sagot ng dating teen housemate ni Kuya.

Pangarap naman daw ni Kit ang makatapos ng pag-aaral at gustong maging piloto tulad ng ama at kung hindi man palarin ay gusto niyang kumuha ng Culinary Arts. Magaling daw siyang mag-bake.

“Dati, mataba ako, dati 200 lbs ako. Sobrang hilig kong kumain kaya nagbi-bake ako,” sabi niya.

At walang pormal na pag-aaral si Kit sa baking, “Sa internet lang, like I just get recipes and pina-follow ko.

Paborito kong gawin banana chocolate muffin.”

Hindi namin lubusang maisip kung paano umabot ng 200 lbs si Kit at ngayon ay nasa 160 lbs na lang.

Umabot daw sa 40 inches ang beywang niya at ngayon ay nasa 32 inches na lang in 6 months.

“Nag-gym po ako, Cohen diet, tinanggal ko lang ang carbs and no sodas at all, water lang. It took me six months to get this body,” kuwento pa ng binata.

Iniwan pala siya ng girlfriend niya noon at ipinagpalit sa mas maganda ang katawan, “Ang pangit na talaga, kasi ‘yung tiyan ko kapag umuupo ako, nakalabas na at saka marami nang nagsasabing ang taba-taba ‘ko!” kuwento pa ng binatilyo.

Nakatatlong serious girlfriends daw si Kit at niloko raw siya ng dalawa dahil ipinagpalit siya sa iba, “Ginag_ ako nu’ng dalawa,” diretsong sabi ni Kit.

“Dahil nga mataba kasi ako.

One of the reasons why ako nagpapayat is that, at saka gusto ko na ring mabago, kasi I’m planning nga to join PBB that time,” pag-amin niya.

Samantala, humanga kami kay Kit dahil wala itong kaplastikan, sadyang diretso lang siyang magsalita dahil siguro bata pa.

At natutuwa siya dahil kay Erickson siya napunta dahil marami siyang matututunan.

Business-minded din si Kit dahil kumikita na raw siya kahit noong wala pa siya sa showbiz sa pamamagitan ng buy and sell, “Bumibili po ako ng mga staff like shirts, rubber shoes sa warehouses, depot, ng mas mura, tapos ibebenta ko sa mga kakilala ko o sa internet.”

At ang target daw niya ngayon ay mag-ipon ng husto para makabili ng sariling sasakyan at ng hindi siya nanghihiram sa magulang niya at makabili na rin ng sariling bahay o condo unit.

Nagulat kami dahil matapos ang aming tsikahan ay nagmamadali siyang pumunta ng ABS-CBN, “Kukunin ko po tseke ko, kasi wala na akong pera, wala akong panggastos, ayokong humingi sa amin,” sabay sakay niya ng traysikel.

Sabi ng road manager niyang si Caress Caballero, “Naku, hindi ‘yan mahiyain, maski saan kumakain ‘yan, maski ano kinakain, grabe ang pagka-kuripot.

Naloloka nga kami, kasi ayaw mag-taxi, mahal daw, magdyip na lang daw siya, LRT, MRT at bus.”

Samantala, bago sumabak sa acting si Kit sa Kahit Puso’y Masugatan ay panoorin muna siya sa June 30, Sabado sa “Eight In One” show kasama ang kapwa PBB boys na sina Carlo, Yohan at Slater, ang Zirkoh comedians na sina Osang at Petite, Sexbomb Aira at Showtime host, Karylle with her band Reasons plus surprise guests.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For tickets inquiries please call 0917-4398587.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending