Mark Neumann super yummy, gustong papakin ng mga beki
Sa May 18 nang gabi ay mapapanood na sa TV5 ang unang Filipino adaptation ng sikat na Korean novelang Baker King. Iniyakan-hinalakhakan ng manonood ang serye, sinubaybayan ‘yun sa buong mundo, at ngayon nga ay magkakaroon na ng sariling atake ang TV5 na pagbibidahan ng Kilig Prince ng istasyon na si Mark Neumann.
Napakaguwapong panadero nga ni Mark. Ayon pa sa mga becki na matagal nang sumusubaybay sa guwapong binata, kung ganu’n naman kaguwapo at ka-macho ang panadero ay siguradong bibili sila ng tinapay sa panaderyang kinaroroonan niya, sa kaguwapuhan pa lang kuno ni Mark Neumann ay siguradong mabubusog na sila.
Kailan lang ay nag-ikot sa iba-ibang lugar si Mark, namigay siya ng pandesal sa ating mga kababayan, guwapung-guwapong panadero ang produkto ng Artista Academy ng TV5.
Sa mismong bakery kung saan kinukunan ang mga eksena ni Mark sa Baker King ay nagkakagulo ang mga kababaihan at kabekihan.
Hindi na raw nila kailangan ng palaman, kay Mark Neumann pa lang ay busog na busog na sila, kahit daw hindi na lagyan ng asin ang minamasa niyang flour ay okey na rin dahil sa kanyang kaguwapuhan.
“This is a big challenge for me. Nag-aral talaga akong magmasa ng harina, mahirap pala ang trabaho ng mga panadero. Ngayon ko nalaman na bago pala mabuo ang isang tinapay, maraming kuwentong kasama ‘yun,” komento ng guwapong panaderong si Mark Neumann.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.