Ruru-Gabbi loveteam nag-trending, pinakilig ang netizens
Mainit na tinutukan ng viewers at pinag-usapan sa social media ang paglabas nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia sa primetime series na Let The Love Begin after Pari ‘Koy.
Naging isa sa most trending topics nationwide ang hashtag na #LTLBGabRuNa noong Biyernes nang simulang mapanuod sina Erick (Ruru) at Pia (Gabbi) sa serye.
Kilig na kilig at excited ang lahat ng nag-abang sa naging unang pagkikita nina Erick at Pia.Narito ang ilan sa tweets ng viewers at netizens: “Yay! Makakatulog ng mahimbing ngayon! I’m so kinikilig sa GabRu! Waaa! Addicted to this loveteam @_gabbigarcia @Rurumadrid 8 #LTLBGabRuNa.”
“Omg ang cute ni @rurumadrid8. kinikilig ako sa inyo ni @_gabbigarcia. #LTLBGabRuNa – Mich @CebedaMits.”
“Perfect couple Ruru and Gabbi @rurumadrid 8 @_gabbigarcia – Marvs @DaatonMarvin.”
“Kung pwede lang itigil ang oras? Ginawa ko na haha #LTLBGabRuNa – Jhane Arsenal @jhane_arsenal.” Bukod sa pagiging hit sa netizens ng GabRu loveteam, nagtrending din ang pilot week ng Let The Love Begin gabi-gabi sa Telebabad block.
Kaya naman masayang-masaya sina Ruru at Gabbi sa naging pagtanggap ng manonood sa kanilang programa. “Sinisiguro namin na sa mga susunod na episode ay lalo kayong matatawa, iiyak at kikiligin.
Gagawin namin ni Gabbi ang aming best para mapaganda ang bawat eksena. Salamat sa aming programa at sa fans ng GabRu,” ani Ruru.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.