Bago pa raw na-confine at nalagay sa kritikal na kondisyon
Dapat pala ay nakatakdang isponsoran ni daddy Ramon Revilla ang matalik na kaibigan niyang si tito Dolphy para sa prosesong stem cell na kilalang-kilala ngayon sa Germany.
“Pinag-usapan na nila ‘yun dati pa.
Inaayos na nga ang schedule nila pareho bago pa man na-confine sa ospital si tito Dolphy,” kuwento ni kuya Marlon Bautista, ang panganay sa magkakapatid na Revilla.
“Shocked at nalulungkot siyempre si Daddy.
Kahit hindi sila nagkikita, madalas silang magkumustahan at magkausap kahit sa phone.Ganyan sila ka-close,” hirit pa ni kuya Marlon na siyang laging namumuno sa lingguhan nilang reunion sa tahanan mismo ni daddy Ramon.
Lagi ngayong naka-monitor ang ama nina Sen. Bong sa bawat update ng kalagayan ni tito Dolphy at masayang-masaya ito kapag nakakarinig ng good news tungkol sa pagbuti ng kundisyon nito.
“Siyempre nagpapadagdag lakas at kumpiyansa din sa kanya ‘yun.
Sa kalagayan din niya ngayon, siyempre lahat ng makakabuti sa kanya ay ginagawa namin,” tsika pa ni kuya Marlon.
Bukod sa mga ipinararating na ayuda ni daddy Ramon at nina Sen. Bong kay tito Dolphy, personal ding nag-share ang kapatid-kumare naming si Princess Revilla dahil naging leading man din niya noon ang Hari ng Komedya.
“Siya ang una kong leading man sa pelikula at wala akong masasabi sa kanyang pagiging totoong tao at kapamilya.
Alam kong best friends sila ni daddy at nakita ko ‘yun during the time na nagkasama kami.
Talagang ipinagdarasal namin siya,” naluluhang tsika ni ateng Pepes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.