Wala ng last ride bonus sa tren | Bandera

Wala ng last ride bonus sa tren

Leifbilly Begas - May 11, 2015 - 03:39 PM

MRT

MRT


Wala ng last ride bonus ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 at 2 at Metro Rail Transit 3 sa bagong Beep stored value unified ticket.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng LRT Authority, hindi na ipatutupad sa bagong sistema ang last ride bonus na nagagamit ng mga sumasakay ng MRT na bumibili ng lumang stored value ticket.
“There will be no more last ride bonus for the new beep stored value unified ticket,” ani Cabrera.
Sa kasalukuyang sistema, ang pasahero ng MRT na kulang na ang laman ng stored value card ay makasasakay pa.
Ang bagong ticketing system ay mas mabilis dahil kailangan na lamang i-tap ang ticket sa machine upang magbukas ang pintuan papasok. Magagamit ang ticket alinman sa tatlong train system.
Sa katapusan ng buwan ay gagamitin na ang bagong ticketing system sa LRT2. Sa Hunyo naman sa LRT1 at sa Setyembre sa MRT 3.
Ang bagong card ay magagamit ng apat na taon at ibebenta ng P20. Maaari itong i-reload ng hanggang P10,000. Maaaring amg-reload sa mga istasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending