Lady cop trending matapos gayahin sina Kris at Miriam Santiago | Bandera

Lady cop trending matapos gayahin sina Kris at Miriam Santiago

- May 11, 2015 - 03:35 PM

pulis

TRENDING sa social media ang isang babaeng pulis mula sa Zamboanga City matapos gayahin ang iba’t-ibang personalidad habang nakasuot ng athletic police uniform.

Naging viral ang video ni PO1 Jane Lee-Kalayakan matapos siyang makiuso sa popular na lip-sincing app na Dubsmash, na binubuo ng mga pinagsama-samang video kung saan umabot na sa 300,000 views ang kanyang tatlong-minutong video.

Makikita sa video na ginagaya ni Kalayakan ang mga sikat na mga linya mula sa mga pelikula, mula sa mga pulitiko, kasama na si Sen. Miriam Defensor-Santiago, at ang paboritong sa Dubsmash na si Kris Aquino.

Nakatalaga si Kalayakan sa Regional Anti-Cybercrime Office sa ilalim ng Zamboanga Peninsula Regional Police.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Kalayakan na, “As a police officer, this dubsmash video that i uploaded is just one way to connect to YOU (the community) to whom we solicit involvement for peace!”

“Nais ko lang pong maramdaman ng lahat na kaming mga Pulis ay handang paglingkuran kayo kahit sa ganitong paraan. This is also my way of showing the other side of Police Officers, na hindi kinakatakutan bagkus ay madaling lapitan at sabay sa agos ng makabagong teknolohiya,” sabi ni Kalayakan.

Tiniyak naman ni Kalayakan na prayoridad pa rin niya ang kanyang trabaho bilang pulis bago ang pagrerekord ng mga Dubsmash videos. “Bonus paglilingkod ko po sa inyo ang pasayahin kayo,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending