Promise ni MATTEO kay MAJA: Hindi ko papatulan si JESSIE MENDIOLA! | Bandera

Promise ni MATTEO kay MAJA: Hindi ko papatulan si JESSIE MENDIOLA!

|June 25,2012
facebook
share this

Promise ni MATTEO kay MAJA: Hindi ko papatulan si JESSIE MENDIOLA!

- June 25, 2012 - 04:32 PM

Matagal daw kasing magkakasama sa isang isla

IN fairness, bagay na bagay kay Matteo Guidicelli ang bagong look niya – mas payat siya ngayon with matching new hairstyle.

Marami nga ang nagsasabi na mas naging yummy siya ngayon at mas naging mukhang mature.

May mga nagsasabi naman na magaling daw talagang mag-alaga ng boyfriend si Maja Salvador, busog na busog daw kasi sa pagmamahal ni Maja si Matteo kaya siguro ang ganda-ganda ng aura ngayon ng aktor.

At in fairess uli ha, tahimik ngayon ang kanilang relasyon, parang walang masyadong nanggugulo sa kanila. Ha-hahaha!

Anyway, ayon kay Matteo, maaari raw na nabawasan ang kanyang timbang dahil sa training niya sa triathlon, at bukod diyan ay lagare rin siya sa kanyang mga shows here and abroad. Busy na rin siya ngayon sa taping ng bagong teleserye ng ABS, ang Precious Hearts Romances Presents Isla kung saan makakasama niya si Jessy Mendiola.

Sa Caramoan islands sa Camarines Sur pa raw sila nagte-taping at talagang pinaghandaan daw niya ang project na ito, at isa na nga raw diyan ang ilang pagbabagong ginawa niya sa kanyang katawan.

“Basically it took three months to prepare for this soap. Sa physical side and also sa workshops sa aming director and everything,” pahayag ni Matteo.

Mabilis namang dumepensa ang aktor sa mga tsismis na baka raw magselos si Maja kay Jessie dahil balitang may mga intimate scenes sila sa nasabing soap, na parang inspired ng Hollywood movie na “Blue Lagoon” ni Brooke Shields.

“Hindi siguro siya (Maja) magseselos, kasi alam naman talaga niya kung ano ang trabaho at ano ang hindi.

Ang promise ko naman sa kanya, I will be professional here and I will give 100 percent and just do my best here in this show.

This is an opportunity that ABS gave me na lead talaga ako sa isang soap so I’m very, very excited.

I think this is it,” paliwanag ng aktor.

Inamin naman ni Matteo na hindi pa rin nawawala ang tampuhan sa relasyon nila ni Maja, aniya, part na raw talaga ‘yun ng buhay, “Siyempre sa isang relasyon may mga tampu-tampuhan o away pero that’s normal but we get through it We keep everything separate – our work and our relationship.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

So it’s very, very important to keep that separate. Just trust and communicate a lot.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending