Gabbi Garcia gustong sumunod sa yapak ni Marian | Bandera

Gabbi Garcia gustong sumunod sa yapak ni Marian

Ervin Santiago - May 11, 2015 - 02:00 AM

gabbi garcia

SA tuwing may nagsasabi kay Gabbi Garcia na isa siya sa mga bini-build up na artista ng GMA, hindi nito mapigilang mapangiti at kiligin. Aniya, hindi niya inakalang ito ang kakalabasan ng walang sawa niya ngpagbi-VTR.

“Everytime naririnig ko po ‘yon, syempre naka-ka-flatter. Nandon yung kaba, yung pressure…basta gagawin ko yung best ko sa lahat ng bagay,” anang Kapuso actress.

Hindi naman itinanggi ni Gabbi na idol niya si Marian Rivera at nais din niyang marating ang tagumpay na nakamit ng Primetime Queen. “Sino ba naman ang hindi magiging ganon ang goal? In-enter ko na nga ang showbiz bakit hindi ko pa itodo diba? Bakit hindi pa ako mangarap ng ganon kataas? Let’s see what happens, ganon naman everytime, all the time.”

Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Gabbi sa GMA, “I love GMA. Sobrang loyal ako. Malaki ang utang na loob ko sa GMA kasi iisipin ninyo one year na ako, sa buong one year ko dami ko nang nagawa.”

Samantala, gabi-gabing mapapanood si Gabbi sa Let The Love Begin kasama ang kanyang ka-loveteam na si Ruru Madrid at tuwing Sunday sa InstaDad.

At para sa lahat ng tumututok sa Let The Love Begin na pinagbibidahan din ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, kasama sina Gardo Versoza, Donita Rose, Gloria Romero at marami pang iba, narito ang magaganap tonight.

Mapuputol ang tila magical moment ni Erick dahil mawawala sa paningin niya ang magandang dalaga. Hahanapin niya ito pero hindi na niya ito makita.

Magsisimula na rin si Erick magtrabaho sa isang bookstore at sa unang araw pa lang niya ay masusungitan na kaagad siya ng kanyang supervisor, si Edison.

Si Pia naman ay mapapagalitan ng kanyang Daddy Tony dahil sa late na nitong paguwi kasama ang mga kaibigan at maikukumpara pa siya nito kay Luchie.

Maaaksidente si Luchie dahil sa pagkakahulog sa hagdan nang matapakan ang scarf na nahulog ni Pia. Kinailangan pang lagyan ng cast ang paa ni Luchie.

Magagalit sina Celeste at Tony kay Pia. Pakiramdam ni Pia ay palagi na lang si Luchie ang kinakampihan ng kanyang Daddy. Kaya mas pipiliin ni Pia na lumabas na lang at makipagkita sa mga kaibigan.

Sa isang raket sa Bingo Center, mare-recognize ang boses ni Jeni ng station manager ng SKY FM na si Jom habang kasama nito ang DJ na si Jess.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil fan rin noon si Jom ng Ton & Jeni Show, agad itong mago-offer ng trabaho kay Jeni sa radio station. Tuwang-tuwa naman si Jeni. Matutuwa pa rin kaya siya kapag nakilala na niya ang isa sa magiging katrabaho, ang diva ng SKY FM na si Katy?

Magugulat naman si Erick dahil isang babae ang makikita niya sa papasukin niyang cubicle ng CR— si Pia. Pero magsisigaw si Pia at hahampasin nito si Erick sa pag-aakalang sinisilipan siya ng lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending