Sigaw ng dating member ng That’s Entertainment: Wala po akong AIDS!
KUMALAT ang balitang may HIV/AIDS daw ang isang dating member ng That’s Entertainment. Ang tinutukoy pala sa mga ulat ay ang dating aktor na si Jimboy Salazar na umaming isa ring beki matapos makipagrelasyon noon kay Mahal.
Ayon kay Jimboy nang mainterbyu ng Startalk, totoong nagkasakit siya kaya sobra ang payat niya ngayon, pero mariin niyang itinanggi na meron siyang AIDS. Aniya, nag-iingat naman siya pagdating sa usaping sex.
Inamin din niya na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si John Danan, na isa ring comedy bar host at singer. Kung matatandaan nagsalita na noon ang dating dyowa ni Mahal na may balak na silang magpakasal ng kanyang lover pero hindi na ito matutuloy.
Ayon kay Jimboy, nalaman niya kamakailan na meron na raw girlfriend na si John, “Bigla na lang siya umalis, sabi niya pupunta siya ng Singapore. Yun pala, wala na siyang ipon. Hindi ganu’n kadali ang mag-prepare ng wedding, e.
Hanggang sa nabalitaan ko na lang na may ano na daw siya dun, girlfriend. Wala siyang inaano, nabalitaan ko lang. Hanggang sa hindi na kami nag-uusap.”
Na-confine raw siya kamakailan sa ospital dahil lumalala na ang sakit niya, “Bumigay na yung katawan ko, kada-diet, trabaho, show, lagare, stress, pressure.
Naloloka na ako nu’ng naramdaman ko na para akong sinasakal na hindi ako makahinga. “May pulmonya ako, nabalutan ng plema yung buo kong baga, yung sa dibdib ko,” aniya pa sa nasabing panayam sabay sabing hindi nga AIDS ang sakit niya.
“Hindi ko naman ginagawa yung, alam niyo na, yung grabeng sexual preference. Kahit na gay ako, hindi naman ako bigay na bigay na ginagawa nila yung brutal na ano sa akin. Kasi maingat ako, malayo mangyari yung AIDS,” paniniguro pa ni Jimboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.