KAHAPON ay nag-birthday show pa si Ruffa Gutierrez sa kanyang regular talkshow na Paparazzi sa TV5 at sa simula raw ng show ay mukhang masaya naman ang dating beauty queen.
I wasn’t able to watch it dahil napuyat ako the night before kaya hapon na akong nagising.
In fact, na-late pa nga itong column ko na binabasa ninyo.
He-hehehe! Anyway, napakaganda raw ni Ruffa sa Paparazzi yesterday pero her mood suddenly changed nu’ng “Bulungan” portion na ng show.
It’s a fun segment kasi wherein the other hosts and guests would whisper to one another a certain thing about their subject at si Ruffa nga iyon dahil birthday nga niya.
Umikot ang nasabing portion sa tatlong lalaking naging bahagi ng buhay yata niya – sina Aga Muhlach, Zoren Legaspi and I forgot the other one.
Sa part ni Mr. Fu kung saan nagpahulaan siya ng “sino sa tatlong lalaki ang may pinakamalaking…” at ibinulong niya sa co-host niya na parang pahulaan for Ruffa. Doon na raw nagsimulang magbago ang mood ni Rufing.
Nagsalita si Ruffa na binastos daw siya ng Paparazzi.
At nagbanta raw si Ruffa na hindi na babalik sa nasabing show.
“Hindi naman siya talaga binastos, katuwaan lang kumbaga.
Puwede naman siyang makihalakhak kung talagang marunong siya.
Pwedeng ang tanong ay, sino ang may pinakamalaking…paa, ilong or whatever like nota or balls – kung anong nakakatuwang sagot na puwede niyang sakyan, di ba?
“Masyado naman siyang manipis.
At kung hindi siya babalik sa show, sino ang nawalan?
Akala ba niya ay makakabalik pa siya sa The Buzz after niyang mag-walkout before, tapos pipirma na pala siya sa TV5.
Huwag siyang mag-ilusyon, ‘no!” anang source namin.
Sayang naman at hindi ko napanood ang episode na ito kahapon.
But for sure ay magiging issue ito sa showbiz in the next days.
For sure ay magwawala na naman si tita Annabelle Rama.
Sa ganang amin, if Ruffa is aware na biruan lang naman ang portion na iyon, sana sinakyan na lang niya.
But knowing Ruffa, she’s really very sensitive – she can be most fun to be with pero may chance na madali talaga itong mapikon.
Kaya advise ko lang sa kanila, upuan na nila agad ito para hindi na lumaki pa.
After all, madali namang kausap si Rufing, e. Hindi naman matigas ‘yan.
Pero huwag nilang salubungin ng bantaan si Ruffa at hindi rin naman marunong umurong ang batang iyan.
But just the same, happy birthday, girl! Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.