‘That Thing Called Tadhana’ nina Angelica at JM may part 2 na
This should be good news to the fans of “That Thing Called Tadhana” na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.
Sinabi sa amin ng Cinema One Originals head na si Ronald Arguelles na posibleng magkaroon ng sequel ang naturang movie. “We are very much pressured. Kahit si Charo (Santos-Concio) sinasabi na gawa tayo ng bagong ‘Tadhana.’ But I don’t think we could duplicate ‘yung ganu’ng klaseng success.
“Siguro madu-duplicate namin or we could do bigger if we do a sequel na lang,” chika sa amin ni Ronald sa Labor Day outdoor screening ng nasabing movie sa The Field, Nuvali.
Kasama sa ipinalabas ang indie film ni Yeng Constantino na “Shift” at ang Hollywood film na “Begin Again”. Before the screening ay nag-perform sina Jason Dy, Up Darma Down and Moonstar 88.
Hinihintay na lang ni Ronald na matapos na ni Antoinette Jadaone ang mga commitments niya bago simulan ang sequel.
“I think meron na siyang naiisip, hindi ko pa lang nakikita kung nagawa na niya ang script kasi si Tonette ang daming naka-line-up na gagawin niya.
We will produce it but hindi siya for competition. It would be a special project of Cinema One,” he said. On the factors kung bakit hit ang “Tadhana”, Ronald said, “Of course, the characters, they are all relatable.
The dialogue din, it’s so in, maraming hugot, ‘yun ang popular right now. Maraming nakaka-relate na babaeng audience. “Ang voice ng pelikula is babaeng-babae, nag-swak doon sa brand ng Star Cinema so hindi sila nahirapan na mag-promote or ma-incorporate ito sa branding nila,” sey pa nito.
Ang hindi lang namin sure kung sina Angelica at JM pa rin ang bida rito o kukuha na sila ng mga bagong artista para sa sequel ng “Tadhana”. Hindi na bago ang open-air screening for Cinema One.
“We’ve been doing Boracay outdoor screenings for about eight or nine years. Nilipat lang namin dito since meron na silang culture of screening event outdoor and mas maganda ‘yung pelikula namin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.