‘Niloko lang tayong lahat nina Pacman at Mayweather!’
LEFT and right ang mga nababasa nating batikos kay Floyd Mayweather Jr. after nitong manalo against Manny Pacquiao.
May mga drama pa ang mga kababayan nating disappointed na kesyo hindi raw dapat manalo si Mayweather dahil wala naman itong ginawa kundi ang yumakap at tumakbo sa loob ng ring.
Si Pacquiao naman ay may dramang akala niya ay siya ang nanalo. Pero meron naman itong another excuse kung bakit hindi masyadong nakalaro nang maayos – meron daw siyang injury sa balikat.
Pero the most obvious of it all ay halatang hindi masyadong nagkasakitan ang dalawang champions – dahil? “Natural na talagang hindi sila dapat magkasakitan para magkaroon ng rematch.
Kayo naman, para naman kayo bago nang bago sa mga eksena ng mga iyan – malaking pera ang involved sa labang iyan. Hindi nila puwedeng tapusin iyan sa isang bout lang – they had to make sure na walang mabaldado sa kanila para magkaroon ng rematch.
“Imagine, kahit talo si Pacquiao, he still gets P4 billion. Kung tatapusin na nila ang laban, paano na ang susunod nilang kikitain? In short, binobola lang kayo ng mga boxing organizers na iyan, scripted na iyan.
Even both Pacquiao and Mayweather know that. Big business sa kanila iyan. Sa pay-per-view pa lang, magkano na ang kita nilang dalawa maliban pa sa talagang bayad sa kanila?
“Pinaiikot lang kayo ng mga iyan, pinag-aaway kayo, pero sino ang nakikinabang? Natural, silang dalawa ang yayaman diyan. Madali kasi kayong mauto kaya sinasamantala nila.
Hindi niyo ba nahalata? Idinaan lang sa yakap at takbo ni Mayweather ang laban while Pacquiao naman cannot give his real blows kasi nga, sila rin ang mawawalan ng kita pag sineryoso nila sa unang laban.
“Sayang lang kasi pag one time lang silang magkakasuntukan, natural na kailangan ng rematch para mas malaki ang kikitain nila sa susunod.
Halimbawang magka-rematch at si Pacquiao naman ang manalo, magkakaroon pa ng ikatlong laban iyan para ma-break ang tie. That means them so much income habang kayong mga fans niya ay nagkagulo na.
Yung iba, naubos ang pera sa pusta. “Ang nakakaloka pa rito, sakit talaga nating mga Pinoy ang hindi makatanggap ng pagkatalo. Pag natalo sasabihin dinaya. Pag nanalo, ang yayabang natin.
Kaya hayaan na lang nating matalo tayo kaysa magyabang, di ba? Pero ang bottomline ng lahat ng iyan, pinaglaruan lang kayo nina Pacquiao and Mayweather,” anang isang analyst.
May point siya. Pasalamat na lang ako at hindi ako fan ng boxing kaya hindi ako kasali sa nabola ng dalawa. Natatawa na nga lang ako sa ilang artista natin na nagagalit sa pagkatalo ni Pacman.
May mga drama pa silang ‘You’re still our hero!’ Ha-hahaha! Ang abangan ninyo ay ang gagawing pagbabantay ni Kim Henares sa kinita ni Pacquiao sa labang ito – kung magkano ang buwis na babayaran ni Manny sa BIR.
Kahit talo si Pacman kasi, he gets nga raw a cool P4 billion. And since talo nga siya, natural na hindi siya magbibigay ng kahit singkong duling na balato with anyone for the simple reason nga that he lost, di ba?
Anyway, good luck sa susunod na match nila. Siyempre, sa umpisa ay mahaba-habang drama na naman ito ng pagkumbinse kuno kay Mayweather para papayagin for a rematch pero at the end of the day, papayag naman talaga iyan.
Pustahan tayo, oh! Hay naku, mga echoserang frogs ang mga iyan.Nakakatawa ang isang kakilala namin dahil sobrang sumakit ang ulo niya nang matalo silang magkakapatid ng P300,000 sa pustahan sa laban ng mga bolerong boxers.
Sana raw nag-casino na lang sila at baka nakuha pa nila ang jackpot kaysa pumusta kay Pacman na benta lang naman daw ang laban. Mafia ang may hawak sa labanang ito kaya ano pang aasahan natin?
Natural na hindi nila tatapusin sa isang labanan iyan. Pagkakakitaan pa nila ang rematch. Diyos kong mahabagin, sana’y ibinigay na lang ng magkakapatid na ito ang P300,000 sa amin at baka marami pa kaming nahada. Baka named stars pa ang iba. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.