KC nahuhumaling pa rin daw kay PIOLO, ayaw pang magkadyowa | Bandera

KC nahuhumaling pa rin daw kay PIOLO, ayaw pang magkadyowa

- June 22, 2012 - 04:13 PM

MUKHANG  maingat na talaga si KC Concepcion ngayon sa pagpili ng lalaking posibleng ipalit niya sa kanyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual.

Mismong si KC na kasi ang nagsabi na mas kikilalanin muna niya ngayon ang mga guys na nanliligaw sa kanya bago niya ito sagutin.

Isang non-showbiz daw ang sinasabing nagpapasaya ngayon kay KC, pero ayaw na muna niyang magdetalye about this dahil hindi naman daw ito celebrity kaya mas okay na gawin na lang muna raw niya private ang kanyang lovelife.

Ayon pa sa TV host-actress, it’s too soon para magkaroon uli ng dyowa, pero aniya never naman daw siyang na-trauma na magmahal uli.

Masarap daw ang ma-in love pero sana raw ang susunod na relasyong papasukin niya ay tumagal nang matagal na matagal.

Pero kung kami ang tatanungin, the way we see it, feel naming mahal na mahal pa rin ni KC si Piolo. Pero tina-try talaga niyang burahin na ang aktor sa kanyang puso’t isipan – pero until now ay hindi pa rin niya magawa.

Anyway, magaganap na ang pinakamalaki at pinakaengrandeng musical event ng taon bukas sa pag-arangkada ng The X Factor Philippines hosted by KC kasama sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Charice at Pilita Corrales bilang celebrity judge-mentors.

Hinahanap ng The X Factor Philippines ang mga natatanging talent, edad 16 patas, na hahatiin sa apat ka kategorya—Girls, Boys, Adults, at Groups.

Kinakailangan nilang mangahas na harapin at sanayin ng batikang mga hurado sa pag-asang magwagi ng pinakamalaking papremyong ipamimigay sa isang Philippine singing competition — P4 milyon na halaga ng papremyo— at maging susunod na Pinoy multimedia star.

Matapos puntahan ang 70 siyudad at munisipalidad sa bansa, mahigit 20,000 ang sumubok ng kanilang kapalaran at abutin ang kanilang pangarap.

Talagang patibayan ng loob at pahusayan ang labanan dahil kinakailangan nilang dumaan sa matinding proseso ng screening.

Sa audition pa lang ay kakaibang pressure na ang kailangang pagdaraanan ng mga sasali dahil bukod sa pagpapakitang gilas sa harap ng mga judge-mentors ay kailangan din nila mapabilib ang live audience.

Sa oras na makakuha sila ng tatlong yes sa mga judge-mentors ay pasok na sila sa susunod na round— ang Boot Camp.

Sa Boot Camp naman ay mas lalong susubukin ang kanilang husay sa pagtatanghal para mas lumitaw kung sino sa kanila ang may “X factor”.

Dito ibabase ng mga judge-mentors kung sino ang pipiliin 20 contestants na aabante sa sunod na round.

Hahatiin ang 20 sa apat na kategorya— limang solo male singers na may edad 16-25 o “Boys,” limang solo female singers na may edad 16-25 o “Girls,” limang solo singers na higit 25 taong gulang ang edad o “Adults” at limang grupo na may mga edad 16 pataas o “Groups.”

Sa puntong ito, ipapaalam na ng producers ng The X Factor sa judge-mentors kung aling grupo ang mapupunta sa kanila para sanayin at hubuging maging isang total performer.

Tatlong contestants bawat kategorya ang matitira at siyang bubuo sa final 12 contestants na maglalaban-laban sa live shows.

Dito makakaharap na nila ang ikalima at pinakamatinding judge na kailangan nilang harapin at pabilibin— ang mga manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag palampasin ang pagsisimula ng The X Factor Philippines ngayong Sabado pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya at mapapanood din tuwing Linggo after Sarah G Live sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending