IWA iskandalosa, kadiri ang style sa lalaki | Bandera

IWA iskandalosa, kadiri ang style sa lalaki

- June 22, 2012 - 03:53 PM

Tigilan na ang ilusyon na mas magaling siyang ina kay Jodi

TULAD nang naipangako ko sa inyo, itutuloy ko ang isyung naisulat ko kahapon tungkol sa pagkunsinti ni Pampi Lacson sa kanyang girlfriend na si Iwa Moto sa ex-wife niyang si Jodi Sta. Maria.

Hindi ko kasi talaga maubos-maisip kung bakit pumapayag si Pampi na magdadakdak si Iwa sa media at sira-siraan ang ina ng kanyang anak na si Thirdy?

Kaya hindi mo rin maiaalis sa amin at sa ibang tao na mag-isip na binigyan ng blessings ni Pampi si Iwa na siraan at lapastanganin si Jodi.

Kaya siguro malakas din ang loob ng babaeng ito na wala nang bukambibig mula’t sapul kundi ang iba’t ibang lalaking naging dyowa niya.

Knowing Iwa, passing fancy lang itong si Pampi sa buhay niya ngayon or it may also be the other way around.

Pag pinagsawaan siya one day ni Pampi, tiyak na si Pampi naman ang aawayin niya.Kilalang-kilala na namin si Iwa.

Diyos ko, itanong n’yo pa kay Mickey Ablan who swears na never na niyang babalikan si Iwa – kahit ano pang mangyari.

Traumatic daw ang naging break-up nila.

Kakaloka talaga ang iskandalosang babaeng ito. My gosh!

Pinamamarali pa ni Iwa na masarap siyang mag-alaga ng boyfriend.

Pinagbabalat pa raw niya ng sugpo si Pampi, pinagtatalop ng butong pakwan, etc, etc..

Kulang na lang sabihin niyang hinihimod niya ang buong katauhan ng lalaking ito.

Akala ba niya cute siya? That’s soooooo cheapppppppp!

Maaaring totoo naman ito pero kailangan pa bang sabihin ‘yan in publico?

Are you attracting future customers?

Kulang na lang ay sabihin din nito ang mga pinaggagagawa nila ni Pampi in their private moments.

Tapos magtataka pa siya kung bakit hindi siya pinapatulan ni Jodi?

Ha-haha!  Nakakaloka at nakakadiri ang style mo, girl!

Now, she’s telling the world that she plays mom to Thirdy.

Mahal na mahal daw siya ng bata. For everyone’s information, mabait talaga ang anak nina Pampi at Jodi.

Di ba may mga batang madaling maamo ng kahit sino?

Yung tipong friendly at madaling mapalapit ang loob kahit kanino. Ganoon si Thirdy.

Kaya nga ang joke namin sa batang iyan ay madaling kidnapin dahil sumasama agad sa mga tao  kahit hindi naman niya gaanong kilala.

Kaya sana tumigil na sa pag-iilusyon itong si Iwa na parang mas nanay pa ang dating niya kay Thirdy kaysa kay Jodi.

Sa anggulong ito, dapat hindi pumapayag si Pampi na manghimasok si Iwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay na yung sumasama ito sa pagsundo sa anak or bilang girlfriend ay siya na ang umaakong susundo sa bata habang busy ang tatay nito, pero para ipamaraling mas malapit pa raw si Thirdy sa kanya more than Jodi, iyan ay malaking kagagahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending