Libo-libong pasahero na-stranded matapos magkaaberya muli ang MRT
LIBO-LIBONG pasahero ang na-stranded matapos muli na namang magkaaberya sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) kaninang umaga.
Inihayag ng mga personnel ng MRT ang tigil operasyon ng MRT mula North Avenue Station hanggang Ortigas Station ganap na alas-6:30 ng umaga matapos tumigil ang isang tren sa southbound lane sa pagitan GMA-Kamuning at Cubao station.
Ibinalik ang operasyon ng MRT ganap na alas-8:15 ng umaga matapos matanggal ang tren na nasiraan.
Napilitan ang mga stranded na pasahero na mag-abang na lamang ng mga bus sa EDSA.
Dahil sa dami ng nag-aabang, dalawang linya ng daan ang naokupahan ng mga pasahero na nagdulot ng lalong pagbigat ng trapiko sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending