Wala pang baby (2) | Bandera

Wala pang baby (2)

Joseph Greenfield |April 30,2015
facebook
share this

Wala pang baby (2)

Joseph Greenfield - April 30, 2015 - 01:50 PM

Sulat mula kay Kyle ng Calagundina, Mati, Davao Oriental 

Problema:
1. Sa loob ng limang taong pagsasama namin ng mister ko maayos at masaya naman kami sana, ang problema nga lang until now wala pa rin kaming anak. Nasa Saudi po siya ngayon pero uuwi na rin siya sa darating na June or July.
2. Itatanong ko lang po kung magkaka-baby na po ba kami ngayong taong ito at kung magkaka-baby na kami kailan po kaya ito mangyayari? Gusto ko rin pong malaman kung babae po ba o lalaki ang unang magiging baby namin? October 4, 1983 ang birthday ko.

Umaasa,
Kyle ng Davao
Oriental
Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing kung isang Aquarius ang iyong mister, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre, tiyak ang magaganap sa pag-uwing-pag-uwi rito ni mister sa ating bansa, mabubuntis ka at pagkalipas ng 9 na buwan, isang malusog na babaing sanggol ang isisilang.

Numerology:
Ang birth date mong 4 ay nagsasabing mapalad ka sa taong ito ng 2015, dahil ang 2015 ay may sumatotal na 8 (20+15=35/ 3+5=8), kung saan ang numerong 8 ay sadyang nagbibigay ng magandang kapalaran para sa mga taong tulad mo na may birth date na 4.

Graphology/Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang pagkakaroon ng baby lagi kang gumamit ng kulay na pula, lalo na sa inyong silid, habang lagyan mo ng bilog na buntot ang ilalim na bahagi ng letrang “y”, sa iyong pirma. Sa ganyang lagda sigurado ang magaganap –sa susunod na taong 2016 magkaka-baby ka na.

Huling payo at paalala:

Kyle ayon sa iyong kapalaran matatapos na rin ang nakakainip na paghihintay, dahil sa taong ito ng 2015 sa edad mong 32, isang babaing supling ang mabubuo sa iyong sinapupunan, upang pagsapit ng taong 2016, isisilang ang cute at magandang baby girl na kukumpleto sa inyong pagmamahalan, makalipas ang mga isa o dalawang taon pa, sa 2018 isang cute at matalinong baby boy naman ang susunod ninyong magiging sanggol na lalo pang magbibigay ng dagdag na galak at saya sa inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending