Enrique, Liza tumindi ang kasikatan sa FOREVERMORE | Bandera

Enrique, Liza tumindi ang kasikatan sa FOREVERMORE

Ervin Santiago - April 30, 2015 - 02:00 AM

enrique gil

NAKAKALOKA talaga ang kasikatan ng phenomenal loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano! Imagine, kahit saan kami magpunta, puro sina na lang sina Agnes at Xander ang pinag-uusapan.

In fairness, mas lalo pang tumataas ang rating ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Forevermore nina Enrique at Liza kung saan gumaganap nga sila bilang sina Agnes at Xander na laging nagte-trending ngayon sa social media.

At dahil nga sa tindi ng suporta ng madlang pipol sa tambalan ng dalawang Kapamilya stars, hindi imposibleng masundan ito ng isa pang teleserye at pelikula.

Tulad nga ng sangkatutak na request ng kanilang fans – na sana raw ay pagsamahin na sa isang bonggang movie ang dalawa para mas bongga.

May isang televiewer naman ang nagsabi na, “Sana sila na talaga ang magkatuluyan. Bagay na bagay sila. Pero huwag nilang madaliin ang lovelife, hinay-hinay lang para hindi rin masira ang career nila.”

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang nakaka-inspire at nakaka-feel good na kuwento ng Forevermore sa direksiyon ni Cathy Garcia. Mas marami pa kayong dapat abangan sa mga darating na episodes lalo na ang nakakabiting pagmamahalan nina Xander at Agnes.

Tutukan n’yo ang ilang mga eksena na tiyak na ikagugulat n’yo sa mga susunod na episodes ngayong may nagbalik na nga sa buhay ni Xander.

Makasira kaya ito sa gumaganda na uling relasyon nina Agnes at Xander o may gagawin itong bagong kadramahan para mas maging exciting ang kuwento ng Forevermore?

Kasama pa rin dito sina Joey Marquez, Irma Adlawan, Zoren Legaspi, Lilet, Diego Loyzaga, Mang Bangky at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending