DUMATING na si boxing champ Manny Pacquiao sa Delano, katabi lamang ng Mandalay Bay, limang araw bago ang nakatakda niyang laban kay Floyd Mayweather Jr.
Ganapan na alas-9 ng gabi nang dumating si Pacquiao sakay ng isang RV, na mas mahaba sa kanyang bus na orihinal na kanyang sasakyan. May nakasulat sa gilid nito na “allegiance.”
Lumabas si Pacquiao sa gilid ng entrance ng hotel, kung saan siya sinalubong ng kanyang mga tagasuporta. Bago umalis ng Los Angeles, sumailalaim si Pacquiao sa pinal na pagsasanay sa Wild Card Boxing Club.
“I hope Manny wins. A lot of people here like Manny to win even though Las Vegas is Mayweather’s home,” sabi ng isang transportation supervisor sa hotel na nakatalaga para mangasiwa sa mga service luxury cars na nakaparada sa main entrance.
“I don’t like Mayweather because he’s cocky,” dagdag pa niya.Kumpiyansa si Pacquiao na siya ang kauna-unahang tao na makakatalo kay Mayweather, na pinagyayabang ang kanyang 47-0 na rekord, kung saan wala siyang talo.
Umalis ng Hollywood ang Team Pacquiao umaga ng Lunes at bumiyahe ng 445 kilometro. Pinangunahan ni Pacquiao ang convoy ng mahigit 100 kotse at SUVs, kasama na ang bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.